Gabbi ididirek ng Grammy winner sa fashion film
Ibang Kapuso napag-iiwanan na
Rarampa sa Nice, Paris ang Kapuso young actress na si Gabbi Garcia.
Yup, for a cover pictorial ng #MakingMega ng Mega Magazine.
Siyempre excited si Gabbi dahil first time niyang makakarating ng Europe. Kaya naman ngayon pa lang ay nag-e-empake na siya though magpo-provide ang Mega ng stylist para sa nasabing pictorial.
“This is going to be my first time in France, so I’m very excited. Being handpicked by Mega is such an honor, and I can’t wait to try different looks for the magazine cover and enjoy this European experience,” pag-amin ni Gabbi.
Siya lang kasi ang nag-iisang Kapuso star na nakasama sa line up ng Mega Style na originally ay digital publication pero magkakaroon ng first ever print copy na kasama nga siya sa cover.
Mga sosyal na brand ang gagamitin niya sa pictorial - an avant-garde photoshoot and she will star in a 45-minute documentary and a 3-minute fashion film to be shot by Emmy-award-winning director and producer Mike Carandang.
Hindi pa natatagalan nang mapisil siyang first Filipina Ambassador for Asia para sa isang international hair product kung saan sa Australia pa sila nag-shooting ng TV commercial.
Nagsimula ang magandang kapalaran ni Gabbi nang gumanap siya bilang Sang’gre Alena sa Encantadia.
Simula noon ay naging in demand siya sa mga magazine covers, features and product endorsements.
Eh paano na si Ruru Madrid? Parang nag-iiba na ang landas ng career nila?
“Ok naman po siya. Kasama siya sa Alyas Robinhood. I’m very happy for him,” sagot ni Gabbi sa ginanap na pocket presscon last Friday.
Eh siya naman ay balitang ipapareha na sa iba. “Wala pa po akong alam. Honestly wala pa pong sinasabi ang management,” banggit ni Gabbi na gandang Pilipina ang hitsura kaya in demand sa mga cover shoot.
Tiyak din na nai-insecure sa kanya ang ibang Kapuso stars na obviously ay napag-iiwanan na niya.
Direk Soy
Maligayang ‘paglalakbay’ Direk Soxy
Rest in peace Direk Soxy Topacio.
Namaalam na nga nung nakaraang Biyernes ang magaling na director/actor sa edad na 65. Matagal-tagal din siyang nakipaglaban sa sakit na lung cancer.
Kabilang sa mga hindi malilimutang pelikula ni Direk Soxy ang Ded na si Lolo na napili pa nung ipadala for screening sa Best Foreign Language sa Film Academy Awards nung 2010.
Pero bukod sa pagiging director, mahusay din siyang actor.
Halos apat na dekada rin siyang tumagal sa industriya at nagsimula ang career niya bilang stage actor at TV director.
Maligayang paglalakbay Direk Soxy.
- Latest