^

Pang Movies

Brillante nag-a-adjust sa Millennials

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Naaliw kami sa bagong episode na ginawa ng award-winning director na si Brillante Mendoza, sa kanyang TV5’s Brillante Mendoza Presents, ang Kadaugan na ipapakita niya ang isang magandang love story at ang Kadaugan sa Mactan festival na ginagawa sa tinatawag na Queen City of the South, ang Cebu.

Mayroon palang ganitong festival kung saan isini-celebrate nila ang battle between Magellan and his Spanish troops sa matapang na chieftain ng Mactan, si Lapu-Lapu. This time, ginawa na nilang millenial ang presentation.

Sa presscon, natanong si Direk Brillante kung paano niya ginawa ang love story nina Tere (Dionne Monsanto) at Johann (Daniel Marsh ng Juan Directions) at talaga bang karamihan sa mga kababaihan doon ay nagmamahal hindi dahil sa love kundi dahil sa pera? Inamin ni Direk Brillante na may creative group siya at pool of writers na siyang nag-iinterbyu kung saang lugar ang gagawin nilang story.

Ayon sa writer niyang si Eero Francisco nag-interview siya ng maraming kababaihan doon at nalaman niyang maraming ganoong kaso na nagmahal sa isang foreigner dahil lamang sa pera. Hindi naman niya kinalimutang ipakita kung gaano ka-close ang family ng mga Cebuano at kung paano sila tumangggap ng mga bisita. Ipinakita rin sa story na si Tere ay nagmahal dahil na-in love siya kay Johann pero dumating din ang time na iniwan siya. Muli siyang nagmahal, nabuntis siya then iniwanan din ng isang foreigner na nag-iwan lamang ng dollars para sa magiging baby niya. Muli bang magmamahal si Tere?

Tampok din sa nasabing episode ang mag-inang sina Ms. Gloria Sevilla at Suzette Ranillo. Kasama rin sa cast sina Matt Daclan, Albert Chan Paran, at Keanna Reeves.

Nagpasalamat si Direk Brillante sa TV5 sa patuloy na suporta sa kanya para maipalabas ang mga episodes niya ng Brillante Mendoza Presents na nagpapalabas ng differentiated entertainment. Mapapanood ang Kadaugan sa July 30, pagkatapos ng Turning Point sa TV5.

Si Direk Brillante ang muling magdidirek ng SONA 2017 mamaya, July 24. Tinanong si Direk Brillante kung may pasabog ba siyang gagawin, aniya ay wala raw dahil ang focus niya ay kung ano ang speech ni President Duterte.  Wala pa raw siyang copy ng speech at hindi niya alam kung iyon ang ga­gamitin ng Pangulo o extemporaneous ang magiging speech nito.

Ratsada sa SONA

Meanwhile, may special coverage ang GMA News ng 2nd State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte mamayang hapon. Umaga pa lamang ay magsisimula na ang coverage na ipakikita ang preparation at updates sa magaganap sa maghapon hanggang sa pinakahihintay na speech ng Pangulo.

Sa mga hindi makakapanood dahil nasa kalye sila, tutukan ang DZBB radio at may special cove­rage rin ang GMA News Online na may live streaming ng speech ng Pangulo.

Zoren ganado sa Rom-Com

Kagabi ay napanood sa SNBO ang first part ng Road Trip ng pamilya ni Zoren Legaspi, Carmina, Mavy, at Cassey, sa magandang lugar sa north, ang Batanes Island.

Produced by GMA News & Public Affairs, ang second part ay mapapanood sa July 30.

Isa naman si Zoren sa additional cast ng I Heart Davao nina Carla Abellana, Tom Rodriguez at Benjamin Alves.

Na-miss na rin ni Zoren ang pag-arte, kaya natuwa siya nang tawagan siya for special guesting sa romantic-comedy series. Nasa Batanes daw sila nang tawagan siya ng GMA 7. Mahina raw ang signal sa lugar, kaya hindi na siya nagtanong kung ano ang role na gagampanan niya, ang sagot na raw lamang niya: “kahit anong role tatanggapin ko.” Pagbalik nila from Batanes, nag-taping agad si Zoren at mapapanood na siya mamayang gabi, pagkatapos ng My Love From The Sky sa primetime block ng GMA 7.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with