Biktima ng Scam sa Online World
Dear Vanezza,
Nanghihingi ng 700 o 800$ ang ka-chat ko na isang American pero nasa Thailand na matagal ko nang kaibigan sa online. Bale ba nagkakahalaga halos ng P40,000 dahil ilang buwan na siyang nawalan ng trabaho sa nasabing bansa. Nag-iisip akong mangutang para ipahiram sa kanya na pangako niyang babayaran din. Tama ba na magtiwala ako kahit magkaibigan kami, pero never ko pa siyang na-meet ng personal. – Mhae
Dear Mhae,
Huwag magtiwala dahil scam yan. Matagal na niyang kinukuha ang loob mo para makuha ang iyong tiwala. Huwag magpadala sa kanyang kuwento at huwag din magbitaw ng pera. Tigilan na ang pakikipag-usap sa kanya. Dahil marami na ang nabiktima sa ganyang style sa online world.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest