^

PSN Showbiz

Kim nagpapalakas para kay Justin!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Kim nagpapalakas para kay Justin!

Kim

Ang lucky ni Kim Chiu.

Nauna na siyang napansin ng Hollywood celebrities na sina  Kim and Khloe Kardashian sa isang Instagram session. Sinagot siya ng magkapatid nang magtanong siya tungkol sa diet nito at kung gusto nilang pumunta ng Pilipinas.

Noong isang araw naman, ang international singer na darating sa bansa ang nag-reply sa tanong ni Kim, si Justin Bieber lang naman.

Na-freak out si Kim nang mag-reply si Justin nang magpakilala siyang fan mula sa Pilipinas.

Darating sa September ang singer para sa kanyang concert sa MOA Arena.

Kaya naman sa katuwaan ni Kim, noong isang gabi ay nag-post siya ng video habang nasa gym na nagsi-circuit and Muay Thai.

Biro niya, nagpapalaki raw siya ng katawan dahil naghahanda siya sa pagdating ni Justin. “Paghahanda sa pagdating ni @justinbieber. Mag a-apply akong marshal!!!”

Kung sabagay kung ikaw nga naman ay fan at nag-reply ang iniidolo mo siguradong maloloka ka rin.

Ang nagtataka ako ay sa mga Korean stars na iniidolo ni Anne Curtis. Milyun-milyon ang followers ni Anne sa lahat ng social media platforms pero kahit anong comment niya sa mga idol niyang Korean stars dedma sila. Wa react.

Actually mas marami pa ngang followers si Anne kesa sa mga sikat na Korean stars pero parang iba nga sila, parang wa silang masyadong interes sa social media unlike us and Americans na adik sa social media.

Daniel at Kathryn

Kathryn tinapos na ang pagiging insecure

Nalampasan ni Kathryn Bernardo ang stage ng pagiging insecure. Natutunan raw niyang tanggapin ang flaws niya at i-improve na lang ang sarili.

 “Hindi kasi porke’t artista ka, mapi-feel mo na ang ganda-ganda mo everyday, hindi. May mga days talaga na, wala, feeling mo, sobrang haggard mo na, ganyan.

“May phase ako dati na grabe ang insecurities ko sa sarili ko. Pero siguro, ang natutunan ko over the years is that you learn how to accept your flaws and ‘yung hindi mag-i-stop na i-improve ang sarili mo. Up until now, ‘yun ‘yung ginagawa namin.

“And aside from the physical looks siguro, importante talaga sa isang tao, masasabi mong maganda kapag meron siyang mabuting puso, maganda ‘yung intentions niya and kung paano ‘yung epekto niya sa ibang tao,” sabi ni Kathryn sa presscon ng 100 Most Beautiful Stars ng YES! magazine kung saan sila ni Daniel Padilla ang nagwagi.

Anyway, si Daniel naman ay feeling butiki noon. Pero ngayon daw kailangan niyang sabayan si Kathryn dahil baka basterin siya. Kaya todo papogi siya.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with