^

PSN Showbiz

Nora, Rhian, Ma. Isabel, at Christian asal Hollywood stars!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Sobrang thankful ang SPEED kina Ma. Isabel Lopez, Christian Bables, Rhian Ramos, at Nora Aunor na hindi mga nanalo pero dumalo sa The Eddys.

Pare-parehong mga nominado ang apat at na-appreciate ng SPEED ang efforts nila para makadalo, kahit hindi sure na mananalo sila.

Parang mga Hollywood star sina Nora, Rhian, Ma. Isabel, at Christian. Kita n’yo naman, kumpleto ang attendance ng lahat ng mga nominado sa Oscar Awards as in pinaghahandaan nila ang bonggang event, kesehodang luhaan sila na umuuwi. Binibigyan ng Hollywood stars ng importansya ang Oscar Awards, Emmy Awards, at Globe Awards dahil big honor para sa kanila ang mga acting nomination nila.

Posthumous Award para kay Jake isa sa highlights ng Eddys

Mabuti naman, binigyan ng posthumous award ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED) sa The Eddys si Joaquin “Jake” Tordesillas, ang writer na kaibigan namin na pumanaw noong June 30, 2017.

May mga nagkuwento sa akin na ang tribute kay Papa Jake ang isa sa mga highlight at touching moment ng The Eddys.

Ang partner at BFF ni Papa Jake, ang direktor na si Maryo J. delos Reyes ang tumanggap ng posthumous award, kasama ang kapatid ng namatay na mahusay na writer.

May mga napaluha at naantig ang damdamin sa simple pero tagos sa puso na acceptance speech ni Kuya Maryo.

Dapat malaman ng younger generation na ang tandem nina Papa Jake at Kuya Maryo ang may kagagawan kaya may blockbuster movies na Annie Batungbakal, Bagets 1 and 2, Kaya Kong Abutin ang Langit, My Other Woman, Pepe En Pilar, etc.

Project din ni Papa Jake ang mga top rating teleserye ng GMA 7, ang My Husband’s Lover at Meant to Be. Sa totoo lang, malaking kawalan sa industriya si Papa Jake kaya deserving siya sa award na ipinagkaloob sa kanya ng SPEED.

Bukod kay Papa Jake, binigyan din ng tribute sa The Eddys ang award-winning musician na si Willy Cruz. Sina Martin Nievera at Ogie Alcasid ang dalawa sa mga umawit sa mga timeless songs ni Willy na namatay naman noong April 2017.

Vilmanians full force 

Rejoicing ang Vilmanians dahil si Congresswoman Vilma Santos-Recto ang nag-win ng Best Actress trophy ng The Eddys.

Hindi nakarating si Mama Vi sa The Eddys pero in full force ang Vilmanians na nag-cheer sa kanya at sa anak niya na si Luis Manzano. Si Luis ang tumanggap ng acting trophy ni Mama Vi, nagpasalamat sa SPEED at sa Vilmanians na walang sawa na sumusuporta sa nanay niya.

Paolo may phobia sa mga awards night

Best Actor ng The Eddys si Paolo Ballesteros dahil sa transgender role nito sa Die Beautiful. Wondering ang fans ni Paolo dahil hindi ito dumadalo sa awards night. Ang duda ng fans, may phobia si Paolo sa mga gabi ng parangal, especially kapag kabilang siya sa mga nominado. Isang awards night lang ang pinuntahan ni Paolo, ang Tokyo International Film Festival noong 2016.

Kung hindi pa siguro pinilit na pumunta si Paolo, hindi ito dadalo kaya nasorpresa ang direktor na si Jun Lana nang biglang sumipot sa stage ang star ng Die Beautiful. Pero matapos dumalo sa TIFF, hindi na personal na tinatanggap ni Paolo ang mga acting award niya. Hindi na siya nagpakita sa gabi ng parangal ng Metro Manila Film Festival (MMFF) noong December 2016 at sa ibang mga sumunod na awards night.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with