^

PSN Opinyon

Kapag nabahiran ang tiwala

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

NALALAGAS na tiwala, eto ang isa sa mga hamon na kina­­kaharap ngayon ng kasalukuyang administrasyon, ang gob­yerno na pinamumunuan ni Pangulong Rodrigo Duterte. 

Nitong mga nagdaang linggo, sunod-sunod na miyembro ng kanyang Gabinete at tauhan ng  iba’t ibang ahensiya ang kanyang sinibak dahil sa isyu ng graft and corruption. 

Marami ang nagulat dahil sa biglaang pagsipa ni President Digong sa mga ito. Marami ang kumuwestiyon kung nabigyan ba ng due process o karampatang imbestigasyon­ ang mga nasibak sa puwesto. 

Hindi kara-karaka ang desisyong ginawa ng pangulo ang pagsibak sa mga opisyal na ito kung walang basehan o nakitang dahilan man lang. Naniniwala ako that the President did his homework with due diligence. 

Sa kanyang kampanya laban sa korupsiyon­, nais ni P­angulong Digong na burahin sa isipan ng bawat­ ma­ma­mayang Pilipino ang problema sa korupsiyon ay hindi agarang nasosolusyunan o nabibigyan ng atensiyon. 

Ayun, nagsampol! Napakabilis at napaka-elegante­ pa nga ng pagpataw niya ng verdict sa mga ito. Masisisi­ n’yo ba ang pinuno ng bansa na magpataw ng agarang aksi­yon laban sa mismo niyang mga tao?  

‘Yung ibang kababayan kasi natin, lalo na dun sa mga galamay ng mga dilawan, nasanay na sa sistema ng kul­tura­ at kalakalan kung saan ang mga katiwaliang gaya ng korupsiyon eh nandiyan na ‘yan, hindi na mawawala. 

Ang tanong, nasanay nga ba o nagbubulag­-bula­gan­, nagbibingi-bingihan o sadyang itiniti­kom­ ang bibig dahil  kasabwat sa pangungulimbat­ ng pera ng bansa?! 

Simple lang naman, galit ang pangulo sa mga taong nasasangkot sa katiwalian.  

Kesehodang matibay o hindi ang ebidensiya. Mabahiran lang ng pagdududa dahil sa ginagawa, pamamaraan at resulta ng ginagawa ng kaniyang tao, patay kang bata ka. 

Inilalagay ko ang sarili ko sa posisyon ni Pangulong Digong at oo nga naman, mahirap makamtan ang tiwala. Ka­akibat nito ay respeto. Kaya kayo nabigyan ng posis­yon dahil sa tiwalang ipinagkaloob sa inyo ng pangulo.  

Paano mo nga naman makukuha ‘yung tiwala ng iyong amo kung parang nakikita sa’yo at sa ginagawa mo, maging sa resulta ng iyong trabaho eh umaayon sa paratang laban sa iyo? 

Akala kasi nung iba diyan porket lapit kayo sa kusina eh mapagbibigyan ang inyong kapilyuhan o feeling niyo hindi kayo magigiba. Aba eh nagkakamali kayo, you just got what you deserved he he he... 

Katatapos lang ng Semana­ Santa, pinag-Holy Week vacation­ muna ‘yung iba pero naaamoy ko na. Sibakan na! 

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with