Annulment ni Daiana Menezes sa asawang ex-congressman, ibinigay na ng korte

Daiana Menezes
Kaya pinanghihinayangan Catriona may pinakamagandang sagot daw sa Q&A
PIK: Hanggang ngayon ay suportado pa rin pala si Rhian Ramos ng mga grupo ng tibo dahil sa kanyang The Rich Man’s Daughter. Abala si Rhian sa promo ng Saving Sally at sa mga mall shows nito ay sumusunod ang ilang grupo ng mga tomboy para suportahan siya.
Nag-promote siya sa Shopalooza Bazaar ng Marikina Riverbanks kamakalawa ng gabi, at nagulat kami na sumasama sa fans club niya ang ilang mga tomboy na tumitili rin. Mainit ang pagtanggap kay Rhian sa mga mall shows at suportado ito ng mga tibo at miyembro ng LGBT community.
PAK: Ayaw pa munang magsalita ng Brazilian actress/TV host na si Daiana Menezes pero masayang-masaya siya ngayon dahil na-grant na ng korte ang annulment case nila ng asawa niyang si dating Congressman Benjo Benaldo. Matagal din daw niyang ipinagdarasal iyon, at naloloka na siya sa laki nang nagagastos niya. Pero no comment daw muna siya ngayon sa pagiging malaya niya uli.
Hindi rin siya nag-comment sa narinig naming may bagong karelasyon na napakayamang businessman daw.
Ang pagkakaalam namin may iba pa siyang kaso laban sa dating asawa kaya binigyan din siya ng korte ng Permanent Protection Order laban dito.
BOOM: Ang daming nanghinayang sa ‘di pagkapasok ng kandidata nating si Catriona Gray sa Top three ng Miss World. Halos iisa ang komento ng mga nakapanood na sa kanilang lima, si
Catriona ang may pinakamagandang sagot sa Q&A portion. Pero mukhang iba ang type ng mga judges kaya hanggang Top five lang siya.
Pero masaya na rin si Catriona dahil sa sobrang suporta sa kanya ng mga Pinoy. Kaya na-fast track siya sa Top 20 dahil Multimedia winner siya at napadali ang pagpasok sa Top five.
Hindi itinatanggi ni Catriona na kaya na-achieve niya iyon ay dahil sa suporta ng kapwa Pinoy sa buong mundo.
Nagparating ng mensahe ang manager ni Catriona na si Jonas Gaffud na tanggapin ang desisyon ng judges. Masaya raw tayo at lumaban naman nang husto si Catriona. Kagaya raw ng mga Pinoy, halos lahat ay sinuportahan at nakipaglaban din sa kani-kanilang kandidata. Masaya raw siyang nakipagtsikahan sa isang Puerto Rican na masayang-masaya sa pag kapanalo ng kanilang kandidata. Proud daddy raw pala ito ng nanalong Miss World. Kaya mas mabuting tanggapin na lang na lahat ay sumuporta sa kanilang kandidata.
“Remember this: We are not alone in this world. There are others,” bahagi nang ipinost niya sa kanyang Instagram account.
- Latest