Sarah nasungkit ang pinakamataas na award sa Awit!
MANILA, Philippines - Big winner si Sarah Geronimo sa 29th Awit Awards na ginanap sa Music Museum last Wednesday.
Nanalong Album of the Year ang kanyang The Great Unknown.
All original ang nasabing album ni Sarah na ngayon ay binalikan niya ang pagpo-promote.
More than a week ago lang nang magkaroon ng special show ang pop royalty sa Kia Theater para sa nasabing album.
Ang pagpo-promote ng kanyang orginal songs ang gustong i-push ni Sarah na karaniwan naman ginawa ng mga international artist.
Kagagaling lang niya ng Hong Kong kung saan siya nagkaroon ng show para sa ini-endorse niyang SMDC.
ABS-CBN magpapatakbo ng mga sinehan ng CityMall sa buong bansa
Uy papasukin na rin pala ng ABS-CBN ang pagpapatakbo ng mga sinehan sa iba’t ibang branches ng CityMall sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
Ito ay matapos pumirma ng kasunduan ang pamunuan ng ABS-CBN Corporation at ang CityMall Commerical Centers, Inc. (CMCCI) kahapon. Kasama sa lumagda ng kasunduan ang chairman ng ABS-CBN na si Eugenio Lopez III, ang president at CEO na si Carlo Katigbak, ang group chief financial officer na si Rolando Valdueza, ang chief operating officer ng Star Creatives na si Malou Santos, ang chairman ng CMCCI na si Edgar Sia II at ang president nitong si Ferdinand Sia.
Ayon sa kasunduan, ang ABS-CBN na ang magpapatakbo ng mga sinehang ipapatayo ng CityMall, kasama na rito ang pagpapalabas ng mga pelikula at ang pagpapatakbo ng food and beverage stores nito.
Itatayo ng CityMall, na pagmamay-ari rin ng DoubleDragon Properties Corp., ang mga sinehan sa Tagum, Davao, Victorias, Negros Occidental, Anabu, Imus, Cotabato City, Bulua, Cagayan de Oro, Koronadal City, Consolacion, Cebu, Mandalagan, Bacolod City, Sta. Rosa, Nueva Ecija at Dumaguete, Negros Oriental.
Si Mr. Edgar Sia ang dating may-ari ng Mang Inasal na binili ng Jollibee na si Mark Bautista ang kauna-unahang endorser.
Marian Rivera
Marian at clutch designer ng mga sikat na Hollywood stars, friends na!
Taray ni Marian Rivera. Kasama lang naman ang pangalan niya sa The Cleopatra Clutch Collection ng American designer na si Lana Marks. At karanggo na niya sina Charlize Theron, Helen Mirren, Kate Winslet, Angelina Jolie, Sarah Jessica Parker, Jennifer Aniston, Jennifer Garner at iba pang naglalakihang pangalan sa Hollywood na naka-feature sa official website ng kilalang designer. Kahanay na rin ang picture ni Marian ang mga sikat na Hollywood celeb. Siya lang ang nag-iisang Pinay na naka-feature sa nasabing website.
Sa website ni Ms. Marks nakasaad na nagsimula ang idea ng kanyang luxury exotic leather fashion nang maimbita siya sa birthday ni Queen Elizabeth II.
“The idea for a luxury exotic leather fashion brand came in 1984, when Lana Marks and her husband were invited to a birthday celebration for Queen Elizabeth II aboard the royal yacht Britannia. A fruitless search for a red alligator handbag to match her suit led Marks to conclude that a niche existed in the marketplace for luxury, exotic leather fashion handbags in fabulous colors. She devoted several years to studying the techniques of accessories design and Italian production, working with the most skilled artisans in the world. In 1988, she launched her first design, a hot pink alligator lunchbox handbag. It was an instant success.
“Since then, the name LANA MARKS has become synonymous with the most luxurious, fashion forward handbags in the world, crafted from such exotic leathers as alligator, crocodile, ostrich and lizard. Her accessories have become a favorite among such royalty and entertainment style-makers as Julie Christie, Helen Mirren, Jennifer Aniston, Charlize Theron, Chloe Sevigny, Lucy Liu, Oprah Winfrey, Kate Winslet, Drew Barrymore, Sarah Jessica Parker, Reese Witherspoon, Madonna, and the late Diana, Princess of Wales.”
Ganyan siya ka-bigtime.
At may special message pa si Ms. Marks kay Marian. “I am so honored to have designed to a white alligator Cleopatra clutch for a new friend Marian Rivera. It is magnificent.”
Na sinagot ni Marian ng: “so sweet of you Miss Lana, I am grateful to a have a new friend like you.”
Ang personal online shopper ni Marian na @loveluxebags ang nagsilbing channel para magkaroon ng communication sina Ms. Lana and Marian.
Please follow me on Twitter and Instagram: @salveasis
- Latest