Parental Authority
Ang parental authority ay pinapahina na ngayon ng mundo dahil na rin sa pagiging busy ng mga magulang. Lalo na kapag wala ang mga magulang sa bahay kung saan mas libre silang makapanood ng mga movies o palabas na inaakala nilang tama. Nababawasan na rin ang oras ng mga bata sa kanilang paggawa ng homework. Madalas kasama rin ng mga anak ang mga kaibigan na mas mapanganib kung bad influence dahil natututo ng mali bagay at ibang kultura na nakakasama sa kanilang ugali. Dahil na rin sa walang tumitingin sa mga anak at wala ring oras ang magulang kahit ito pa ay kasama sa bahay.
Nagbago na nga ang mundo at sistema ngayon. Pero huwag kalimutan na mahalaga pa ring i-build ang relasyon sa mga anak nang mas maaga sa kanilang kamusmusan at kabataan. Kailangang pagpatibayin ang relasyon ng anak sa magulang o vice versa. Dapat malaman ng anak ang unconditional na pagmamahal nina tatay at nanay. Lahat ng hinihiling ng mga magulang sa anak ay para rin sa kanilang mabuting kapakanan. Higit sa lahat ay maglagay ng rules sa relasyon ng magulang sa pagitan ng anak. Dahil kapag walang rules ay mauuwi sa pagrerebelde ang mga bata. Kailangan lang bigyan ng boundary ang pakikipagkaibigan ng magulang sa mga anak habang nanatili pa rin ang parental authority at respeto sa parehong panig.
- Latest