^

PSN Showbiz

Camp Sawi puring-puri puwede raw magka-sequel!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

May dare ang direktor na si Antoinette Jadaone na ibabalik nito ang ibinayad ng mga nanood ng Camp Sawi kung hindi nila nagustuhan ang pelikula ng kanyang kaibigan na si Irene Villamor.

Mga alaga ni Joyce Bernal sina Antoinette at Irene na kapwa niya binigyan ng oportunidad na makapag-direct ng mga pelikula.

Malayo na ang narating ni Antoinette bilang direktor ng mga pelikula at teleserye kaya posibleng sundan ni Irene ang yapak niya.

Si Irene ang assistant director ni Joyce sa mga teleserye nito sa GMA-7 at dahil sa direksyon niya sa Camp Sawi, may mga nagsasabi sa mga Kapuso boss na panahon na para bigyan nila ang lady director ng sariling show.

Dumalo si Antoinette sa premiere night ng Camp Sawi noong Martes bilang suporta kay Irene at nagustuhan niya ang pelikula kaya nakapagsalita siya na ibabalik ang datung na ibinayad sa box office ng mga nanood na hindi satisfied.

To be fair, puro good at positive reviews ang naririnig ko mula sa mga nanood ng pelikula nina Arci Muñoz, Andi Eigenmann, Yassi Pressman, Kim Molina at Bela Padilla.

Sulit na sulit daw ang ibabayad sa box office ng moviegoers dahil isang feel good movie ang first full-length movie directorial job ni Irene.

Hindi ko pinagdudahan ang pralala ng mga nanood ng Camp Sawi na nagbukas kahapon sa mga sinehan dahil tumataginting na A ang grade na ibinigay ng Cinema Evaluation Board (CEB) sa pelikula ni Irene.

May kahabaan daw ang pelikula pero hindi makakaramdam ng inip ang manonood dahil maayos ang pagkakalahad ni Irene sa kuwento ng Camp Sawi at mahuhusay ang mga artista niya.

Puwedeng-puwede nga raw na magkaroon ng sequel ang Camp Sawi dahil marami pa ang klase ng pagkasawi na hindi natalakay sa ipinagmamalaki na pelikula ng Viva Films at ng N2 Productions.

Aiza binago ni Digong!

Si Aiza Seguerra ang chairperson ng National Youth Commission at ito ang dahilan kaya dumalo siya kahapon sa senate hearing tungkol sa postponement ng eleksyon ng barangay officials at Sangguniang Kabataan sa October 2016.

Kung si Aiza ang tatanungin, gusto niya na matuloy ang SK elections dahil naniniwala siya na malaki ang maitutulong ng mga kabataan sa kampanya ng pamahalaan laban sa mga illegal na droga. Iginiit din ng dating child actress na kailangan ng mga youth representative sa konseho.

Mula nang ma-appoint siya na chairperson ng National Youth Commission, napansin ang malaking pagbabago ni Aiza na talagang sineseryoso ang posisyon na ipinagkatiwala sa kanya ni President Rodrigo Duterte.

SPS bumenta kahit hinusgahan noong mag-umpisa

Better late than never. Ginanap kagabi ang thanksgiving at anniversary presscon ng Sunday PinaSaya, ang Sunday noontime show ng GMA-7 at APT Entertainment na nag-umpisa noong August 9, 2015 pero namayagpag agad sa ratings.

Ang Sunday PinaSaya ang Comedy Show of the Year ng The PEP List Awards kaya nagpapasalamat ang mga produ, cast at production crew sa lahat ng mga tumatangkilik sa kanilang programa.

Nang mapabalita noon na itatapat sa ASAP ang Sunday PinaSaya, marami ang nag-feeling nega at nagsalita na walang laban ang bagong show ng Kapuso Network sa isang show na ilang dekada nang napapanood sa telebisyon.

Natameme ang mga nega dahil mali ang mga hula nila. Mabilis na napansin at tinangkilik ng televiewers ang show na sinintensyahan na hindi magtatagal at mangungulelat sa karera ng mga rating.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with