^

PSN Showbiz

Solenn ramdam ang Encantadia language

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isa sa pinakainabangan at pinuri ng taong bayan sa pagbabalik telebisyon ng Encantadia ay ang pagganap ni Kapuso star Solenn Heussaff sa karakter ni Cassiopea, ang unang reyna ng Lireo na dahilan kung bakit nahati sa apat ang brilyante. Bukod daw kasi sa magagaling na fight scenes ni Solenn, nakakabighani ang pagsasalita niya ng Nchan, o mas kilala bilang Encantadia language.

 Ayon naman kay Solenn, isang challenge ang magkabisa ng kakaibang language pero naeenjoy naman niya ito. “Mahirap! Sa umpisa na-excite ako, ‘Uy wala akong lines dito, puro mata.’ Tapos nakita ko ‘yung script, sabi ko, ‘Direk, kailangan ko bang i-memorize ‘to?’ Sabi niya, ‘Kung kaya mo, gawin mo.’ So ‘yun, nag-concentrate ako. Ngayon mas napi-feel ko ‘yung language ng Nchan,” kuwento niya. 

Gerald at Arci mapapanood na sa TV!

Sa kauna-unahang pagkakataon, ipapalabas sa Philippine digital TV ang hit Star Cinema rom-com Always Be My Maybe nina Gerald Anderson at Arci Muñoz sa Kapamilya Box Office (KBO) ng ABS-CBN TVplus kasama pa ang apat na pelikula nga­yong weekend (Jul 23-24).

First-ever project nina Gerald at Arci ang Always Be My Maybe na umiikot sa dalawang heartbroken strangers na mahuhulog ang loob sa isa’t isa. Magpapasaya rin ang mga sineng One More Try, Ded Na Si Lolo, 100 Feet, at So Undercover.

Bukod dito, may pagkakataon pang matunghayan ng buong pamilya ang mga nakakaantig na kwento ng MMK, Dolce Amore, at MYX. 

Ang Kapamilya Box Office (KBO) ang pinakabagong feature ng ABS-CBN TVplus na nagdarag­dag ng saya sa weekend bonding ng pamilya sa commercial-free movie marathons na ipinapalabas dito sa halagang P30. Maaari ring mapanood sa iWant TV ng ABS-CBNmobile ang mga palabas sa KBO. 
Inilunsad noong nakaraang taon ang ABS-CBN TVplus na naging susi para maranasan ng mga Pilipino ang digital TV kung saan mas malinaw ang panonood ng telebisyon gamit ang digital signal transmission. Maliban sa exclusive channels, nakakasagap ang ABS-CBN TVplus box ng signal mula sa ibang channels na naka-broadcast in digital.

Para todo-todo ang bonding ngayong Sabado at Linggo, mag-load lamang ng P30 sa inyong ABS-CBNmobile prepaid SIM at gamitin ito upang mag-register by texting KBO30 <SPACE> JULY23 <SPACE> TVplus box ID at i-send sa 2131. I-press lamang ang INFO button sa TVplus remote control para malaman ang seven-character TVplus box ID. 

I-activate ang KBO sa 7th channel ng TVplus by pressing the SCAN button sa TVplus remote control. Para sa remote control na walang SCAN button, i-press lamang ang MAIL button. Makikita ang KBO artcard sa 7th channel pagkatapos mag-scan.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with