^

PSN Showbiz

Namayapang senador na si Ernie Maceda bibigyan ng Andres Bonifacio award

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nakikiramay ako sa mga naulila ni former Senator Ernesto Maceda na sumakabilang-buhay noong Lunes dahil sa multiple organ failure.

Hindi ko makakalimutan si Manong Ernie dahil siya ang nag-imbita sa akin noon sa senate inquiry tungkol sa Bruneiyuki controversy. First time ko na humarap sa senado at tinanong tungkol sa Bruneiyuki scandal kahit hindi ko naman naranasan na maging Brunei beauty.

Nakilala si Manong Ernie bilang Mr. Expose ng senado dahil sa rami ng kanyang mga pasabog noon.

Huli kaming nagkita ni Manong Ernie sa meet the senior citizens ng kanyang anak, ang newly-elected congressman ng District IV ng Maynila, si Edward Maceda.

Masiglang-masigla at malakas na malakas ang katawan ni Manong Ernie nang magkita kami sa Sampaguita Events Place.

Actually, malaki ang contribution ni Manong Ernie at ng kanyang misis na si Manay Ichu Vera Perez Maceda sa tagumpay ni Papa Edward dahil bukod sa hindi matatawaran ang kanilang mga credibility, respetado sila sa mundo ng showbiz at pulitika.

Nakaburol ang mga labi ni Manong Ernie sa Mt. Carmel Shrine sa Quezon City. Ito ang schedule ng lamay, para sa mga gustong makiramay sa mga naulila ni Manong Ernie. Nanggaling ang impormasyon mula sa pamilya niya na nakausap ko kahapon nang pumunta ako sa Mt. Carmel Shrine.

“Wake will be in Mt. Carmel. Please don’t come on Thursday afternoon from 1 pm to 10 pm because he will be brought to the Senate in the afternoon for necrological services kasi naging Senate President siya then will proceed to Manila Hotel at 7 pm where he will be given the Andres Bonifacio Award by the City of Manila.

“We are told that he will be the third recipient after Henry Sy, the last recipient. Then back to Mt. Carmel for Friday wake and Saturday burial.”

Sa darating na Sabado ang libing ni Manong Ernie sa Loyola Memorial Park sa Marikina City at ayon ito kay Manay Ichu na nakausap ko kahapon at punong-abala sa pag-aayos ng mga bulaklak at mga nakikiramay.

Type na type ang pagiging beautician

Hapon na nang makaalis ako sa lamay para kay Manong Ernie. Umuwi na ako ng bahay kaya hindi na ako nagpunta sa presscon ng Conan, My Beautician, ang sitcom nina Mark Herras at Megan Young.

Type na type ni Mark ang role niya sa Conan, My Beautician dahil siya ang bida. Walang pressure ang once a week taping ng sitcom dahil magagaan ang mga eksena.

Dalawa na ang regular show ni Mark sa GMA 7, ang Conan, My Beautician at Sa Piling ni Nanay. Walang conflict sa schedule ni Mark ang taping ng mga nasabing show dahil inayos ito na mabuti ng GMA Artist Center.

Rhian at Rafael ginawan ng serye ang pelikula nina Vilma at Gabby

Sina Rhian Ramos at Rafael Rosell ang mga bida sa Sinunga­ling Mong Puso, ang teleserye na ipapalit ng GMA 7 sa Hanggang Makita Kang Muli.

Ang Sinungaling Mong Puso ang television remake ng pelikula na pinagbidahan noon nina Gabby Concepcion at Batangas Governor Vilma Santos-Recto. Ang Regal Films ang nag-produce noon ng Sinungaling Mong Puso.

Julie Anne hindi na-extend ang birthday gift sa sarili

Isang linggo lang na magbabakasyon sa London si Julie Anne San Jose at ang kanyang kapatid. Hindi puwedeng magtagal si Julie Anne sa ibang bansa dahil sangkatutak ang commitments niya sa Pilipinas.

Ang London trip ni Julie Anne ang birhday at graduation gift niya sa sarili. Ang promo ng kanyang bagong album ang aasikasuhin ni Julie Ann pagkatapos ng bakasyon niya sa London. Magkakaroon din siya ng bagong teleserye bago matapos ang 2016.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with