^

PSN Showbiz

Kampo ni Robin pumiyok sa kumalat na picture ng balota

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Inilabas kahapon ni Atty. Rudolf Philip Jurado ng Jurado Jurado & Associates Law Offices ang official statement ng kanyang kliyente na si Robin Padilla tungkol sa alleged shaded ballot na diumano’y inilabas ng action superstar sa social media.

“We write on behalf of our client, Mr. Robin C. Padilla. In response to the news regarding Mr. Padilla’s alleged shaded ballot supposedly taken while he was voting last May 9, 2016, Mr. Padilla desires to convey that he never violated any law or rule regarding the alleged photograph of his ballot, since it was neither an official ballot nor taken inside a voting center.”

Bukod sa official statement ng legal counsel ng aktor, idinagdag ng kampo ng aktor na hindi pagsuway ang nais na ipabatid ng larawan na inilagay ni Robin sa social media account nito.

“Unang-una, hindi siya ipinakita na nasa loob ng voting precinct. Pangalawa, walang katibayan na ‘yung nasa larawan ay official na balota at ‘yun ay kay Robin.

“Pangatlo, maraming naglabasan na pre-shaded ballots kaya hindi natin masasabi na ‘yun ay balota niya. Palawakin ang kaisipan, tigilan na ang pagpapa­laki ng isyung walang kahahantungan,” ang pahayag at apela ng kampo ni Robin.

Kabilang ang mag-dyowang Aiza Seguerra at Liza Diño sa mga nag-react sa picture na inilabas ni Robin. Naliwanagan na si Aiza dahil nagkausap na sila ni Robin at tinanggap nito ang kanyang paumanhin. Inamin ni Aiza ang pagkakamali dahil hindi muna niya pinag-aralan ang facts.

Vilma subok na kaya wagi sa Lipa

Congrats sa Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto dahil wagi siya sa congressional race sa lone district ng Lipa City.

Ang layo ng agwat ng mga boto sa award-winning actress at sa kalaban niya.

Subok na kasi ang husay ni Mama Vi bilang public servant at naranasan ito ng kanyang mga kababayan sa Batangas na pinaglingkuran niya sa matagal na panahon. Vilma Santos is Vilma Santos.

Angelica Jones talunang vice governor

Tapos na ang paglilingkod sa bayan ni Angelica Jones na Luz Valdez sa vice gubernatorial race sa lalawigan ng Laguna.

Sa tuwing nakikita ko si Angelica, ang tuko issue ang pumapasok sa isip ko. Ngayong the end na ng kanyang political career, may mga nagtatanong kung magbabalik-showbiz ba si Angelica?

Kahit hindi lumutang sa mga survey, TESDA Man waging-wagi dahil sa mga natulungang makapag-aral

Sure winner na si Joel Villanueva, ang TESDA Man na nakakuha ng milyun-milyong boto.

Number one si Papa Joel sa mga nanalo sa senatorial race pero hindi lumitaw ang name niya sa mga survey kaya marami na ang hindi naniniwala sa mga senatorial survey.

Malaki naman talaga ang nagawa ni Papa Joel noong ito ang secretary ng TESDA. Hindi malilimutan ng mga nag-aral sa TESDA ang kanyang mga naitulong sa kanila kaya ibinoto nila si Papa Joel.

My Candidate ni Derek huhusgahan na

Congratulations kay Lani Mercado, ang bagong elect na mayor ng Bacoor City.

Nagpapasalamat si Lani sa mga bumoto at nagtiwala sa kanya.

Siyempre, maligayang-maligaya si Senator Bong Revilla, Jr. dahil nanalo ang lahat ng mga kandidato sa pamilya nila. Nahalal na mayor ng Bacoor City si Lani, si Jolo Revilla na unopposed ang vice governor ng Cavite, si Strike Revilla ang nanalo na congressman ng lone district ng Bacoor City at re-elected councilor si Rowena Bautista.

Back-to-normal na ang Pilipinas dahil tapos na ang peaceful election kaya puwede nang mag-relax ang lahat at panoorin ang My Candidate na first day ngayon sa mga sinehan. Starring sa The Candidate si Derek Ramsay as Congressman Sonny Suarez na kumandidatong senador sa bagong pelikula ng Quantum Films.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with