^

PSN Showbiz

Vic buhos ang suporta sa anak ni Coney!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Suportado ni Coney Reyes ang kandidatura ni Mons Romulo na tumatakbong congresswoman sa nag-iisang distrito ng Pasig

Bukod sa matalik na magkaibigan sina Mama Coney at Mama Mons, sinusuportahan ng Romulo family ang candidacy ni Vico, ang anak nina Mama Coney at Vic Sotto.

Kandidato na konsehal ng First District ng Pasig City si Vico na qualified na maglingkod sa bayan.

Noong Easter Sunday din ang proclamation rally nina Mama Mons at Vico sa Mega Market ng Pasig City.

Piyesta ang atmosphere sa Pasig market dahil sa pagda­ting ni Bossing Vic na number one supporter ng anak nila ni Mama Coney.

Nagpapasalamat si Mama Mons kina Bossing at Mama Coney dahil sa pagsama sa pangangampanya nila ni Vico. Nag-join din sa kampanya ang mag-asawang Roman Romulo at ang misis nito na si Shalani Soledad.

Si Papa Roman ang kasalukuyang congressman ng Pasig City at dahil last term na niya, kumandidato siya na senador sa ilalim ng partido nina Senator Grace Poe at Senator Chiz Escudero. Si Mama Mons ang hahalili sa maiiwanan na p­uwesto ni Papa Roman at hoping siya na makukuha niya ang boto ng kanilang mga kababayan sa Pasig City.

Popular na popular ang mga Romulo sa bayan nila dahil malaki ang kontribusyon ni Papa Roman sa pag-unlad ng Pasig City.

Popular naman si Vico sa young voters na instant crush siya dahil namana niya ang appeal ng kanyang ama.

Vilma at Lani sumabak na sa kampanya!

Nagsimula na ang pormal na pangangampanya ni Batangas Governor Vilma Santos sa Lipa City noong Easter Sunday.

Last term na ni Mama Vi bilang gobernador ng Batangas province kaya kumakandidato siya na house representative ng Lipa City sa eleksyon sa May 9, 2016.

Nangampanya na si Mama Vi sa isang barangay sa Lipa City at siyempre, dinumog ito ng mga kababayan niya na confident na mananalo ang Star for All Seasons na wala nang dapat patunayan pa dahil naging alkalde siya noon ng nasabing bayan.

Nag-umpisa rin noong Linggo ang pangangampanya ng mag-inang Jolo Revilla at Lani Mercado sa Bacoor City.

Kumakandidatong mayor ng Bacoor City si Lani at c­ongressional candidate ang kanyang bayaw, ang incumbent mayor ng Bacoor City na si Strike Revilla. Re-electionist naman si Jolo bilang Vice Governor ng lalawigan ng Cavite pero wala siyang kalaban.

Dinagsa ng mga Caviteño ang proclamation rally nina Jolo, Lani, at Strike.

Kahit wala si Senator Bong Revilla, Jr. sa proclamation rally, nalaman niya ang mga nangyari dahil nag­kuwento sa kanya sina Lani at Jolo.

Ala-Superman sa komiks ni Sec. Mar idine-deny

Lumabas kahapon ang mga kopya ng komiks na may pamagat na Sa Gitna Ng Unos, Batay sa Tunay na Pangyayari.

Cover ng komiks ang presidential candidate na si Mar Roxas na mala-Superman ang hitsura sa drawing na na-sight ko.

Malinaw na ang mga pangyayari nang manalanta si Typhoon Yolanda sa Southern Leyte ang kuwento ng Sa Gitna Ng Unos at bida si Papa Mar sa drawing na nagpapakita sa kanya na tinutulungan ang mga biktima ng killer typhoon noong November 2013.

Hindi pa kinukumpirma ng kampo ni Papa Mar kung authentic o kagagawan ng kanyang detractors sa pulitika ang komiks na umaani ng iba’t ibang mga reaksyon.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with