^

PSN Showbiz

Nag-aaral kasing bumaril at wifey ang tawag kay Bubbles Paraiso Luis hinihintay ipagtanggol sa isyu ng katomboyan si Angel!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naghihintay ang fans ni Angel Locsin sa sasabihin at pagtatanggol ni Luis Manzano sa isyung matagal nang kumakalat tungkol sa kanyang ex na si Angel matapos ipagtanggol ng actress si Luis sa isyung bading daw ito na lumang isyu na rin naman. (Ex na ba o may inaayos lang sila?)

Ang pagiging tibo umano na kung tutuusin ay hindi na bagong kuwento.

Matagal na itong umiikot sa showbiz pero wala namang mailabas na ebidensiya ang mga nag-aakusa. Na parang isyu rin tungkol kay Luis.

Bagama’t hindi naman lihim sa showbiz na maraming kaibigang tomboy ang actress, wala namang masama kung tutuusin. Hindi ka naman puwedeng mamili ng mga kakaibiganin lalo na sa showbiz na maraming tibo at mga bakla.

Pero ang isa sa ipinag-alburuto noon ng ilang fans nila ay nang mas piliin daw ni Angel na magpunta sa Batanes kasama ang mga kaibigang tibo kesa sa boyfriend pa noong si Luis.

Ayon sa kumalat noong kuwento, nag-leave pa raw noon si Luis sa trabaho hoping na sila nga ni Angel ang magse-celebrate ng birthday nito pero si Luis daw ang nagulat dahil may ibang plano pala ang girlfriend, ang mag-travel sa Batanes kasama ang mga kaibigan ngang member ng third sex.

Ang kuwento naman ni Angel noon, “Hindi po ako magpapaka-plastic kasi kaya rin ako umalis dahil naguguluhan ako kung ano ba ang mararamdaman ko sa pagthi-thirty ko bilang babae siguro maiintindihan n’yo ang pakiramdam ko na ‘yan. Hindi ko alam kung masaya po ba ako o ise-celebrate ko ba siya o magbi-birthday blues ba ako,” sabi ng aktres sa interview sa kanya tungkol sa pagpunta niya sa Batanes.

Dagdag pa niya sa presscon noon ng MMK : “Mas pinili kong mag-celebrate kung ano ang gusto ko. So pumunta po ako sa Batanes.”

Last April 15 nag-celebrate ng 30th birthday ang actress na kasalukuyang nasa Singapore para mag-therapy dahil sa iniinda niyang sakit sa likod.

Pero lahat ng mga kuwento ay nabuhay ngayon nang mag-split sina Luis at Angel.

Ang sabi-sabi, marami pang lalabas tungkol kay Angel. At buhay na buhay nga ang kuwento sa katomboyan na pinagpipiyestahan ng karamihan. Bukod kasi sa break-up nila ni Luis kung bakit naman kasi kung magkikilos si Angel, may pagka-macho. Sa pelikulang Everything About Her na showing pa rin sa ibang mga sinehan with Gov. Vilma Santos and Xian Lim, parang nahawa yata siya sa mga kaibigan niya. Maging sa Pilipinas Got Talent, ganun din. Pare ang tawag niya sa ibang contestants. Ha ha ha.

Ito pa, ginagawan din ng isyu ang Instagram posts niya tungkol sa kanila ni Bubbles Paraiso. Kung bakit naman kasi ang tawag niya kay Bubbles ay wifey. Nami-misinterpret tuloy ng marami. Tapos nag-aaral pa siyang bumaril na impluwensiya naman daw ni Chito Miranda na dati ring na-link sa kanya noon na ngayon ay mister ni Neri Naig.

Pero ang isang hindi puwedeng mabura kahit maraming isyu kay Angel ay ang kanyang generosity.

Hindi malilimutan ng mga kaibigan ng namayapang manunulat na si Tita Emy Abuan na si Angel ang sumalo sa karagdagang bayad sa funeraria nito na halos P200,000. Yup, ganun naman siya kabait kaya sapaw naman ang isyu ng katomboyan niya sa isyu ng kabutihan niya. Siya mismo noon ang pumunta sa cashier ng funeraria kung saan nakaburol si tita Emy para personal na bayaran ang balance nito. Bibihira ang katulad niyang mabilis tumulong. Actually, pareho sila ni Luis na matulungin kaya naman nakakalungkot na may isyu sa kanilang ganyan.

Heart, nag-poetry reading sa isang book Launch

Uy parte na naman si Heart Evangelista ng isang successful collaboration na nagpalutang sa kanyang talent sa pagpipinta.

Sa book launch ng HaiNaKu, ang poetry collection ni Arnel Patawaran kung saan si Heart ang illustrator, ay ipinasilip pa ni Heart through a short video na inupload niya sa kanyang Instagram account ang pagbabasa niya ng isang tula mula sa libro.

 “Poetry reading at the launching of my dear @aapatawaran ‘s #theHAINAKUbook it was an honor and a dream come true to share my “heart” with you!” ika ni Heart sa kanyang IG post.

This was the second time na na-publish sa isang libro ang paintings ng aktres. Una na nga rito ang children’s book na Daughter of the Sun and the Moon ni Rocio Olbes.

Anyway, isyu pa rin ang tungkol sa parehong damit na isinuot nina Maine Mendoza at Carla Abellana.

Si Maine sinuot niya sa pictorial sa isang magazine habang si Carla ay sinuot sa thanksgiving event ng GMA for advertisers ang nasabing damit na kulay item na pinintahan ng gold ni Heart at disenyo ni Mark Bumgarner.

Pero ang nakakataka, ang daming damit na di­senyo ni Bumgarner at pinintahan ng Kapuso actress sa Mark Bumgarner x Love Marie, ang benefit fa­shion show kung saan ipinakita nina Heart at Mark ang kanilang mga fabulous creations. Mga hand-painted gowns na ilang buwan ding pinaghirapan ng magkaibigan. Kabilang sa mga muses sa fashion show ay ang best friend ni Heart na si Lovi Poe, kasama pa sina Julia Barretto, Hillarie Parungao, Maggie Wilson-Consuji, Ariella Arida, Gabby Garcia at Bianca Valerio. Pero sa rami ng damit nila, iisa ang napili ng stylist nina Maine at Carla. Kalokah.

Kasalukuyang nasa Sorsogon na si Heart at mga kapatid para sa selebrasyon ng first wedding anniversary ng asawa niyang si vice presidentiable Chiz Escudero at para na rin sa birthday niya sa Linggo.

Malou Santos, pinangalanang Coo ng Star Creatives

Inanunsyo ng ABS-CBN Corporation ang pagtatalaga kay Malou Santos bilang chief operating officer (COO) ng Star Creatives simula Pebrero 15, 2016.

 Bilang COO ng Star Creatives, patuloy na pamamahalaan ni Malou ang paggawa ng mga pelikula, primetime teleserye, at multi-platform na Pinoy music. Patuloy din niyang palalakasin ang Star Music sa pamamagitan ng live events production, radio programming, at artist development and management.

Sa ilalim ng pamumuno ni Malou, naging pinakamatagumpay na film studio sa bansa ang Star Cinema dahil sa mga patok sa panlasang Pinoy. Tumabo rin sa takilya ang mga pelikula ng Star Ci­nema, patunay ang 10 highest-grossing Filipino movies of all time na naprodus nito, kabilang na ang Beauty and the Bestie, ang highest-grossing na Filipino film sa kasaysayan, pati na ang A Second Chance, ang highest-grossing non-Metro Manila Film Festival local film sa kasaysayan.

Si Malou rin ang nasa likod ng tagumpay ng Maalaala Mo Kaya at iba pang   primetime dramas gaya ng Pangako Sa ’Yo Forevermore, The Legal Wife,  Princess and I, Lobo, Magkaribal, Maging Sino Ka Man, at Imortal.           

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with