^

PSN Showbiz

Gov. Vi hindi na pino-problema ang kandidatura

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Dalawang mahal sa buhay ni Gob. Vilma Santos ang tatakbo sa pagka-senador sa 2016. Bukod sa kanyang kandidatura sa Batangas bilang congressman na hindi niya pinoproblema, hangad at dasal ng aktres/pulitiko na maging matagumpay sa kanilang tinatakbong posisyon ang dalawang ama ng kanyang mga anak na sina Edu Manzano at Sen. Ralph Recto.

Alam niyang malaki ang maitutulong ng dalawa para mas mailagay sa ayos ang bansa.

Dingdong at Marian pahinga muna sa trabaho, tututukan ang anak

Naging mas interesado, lalo na ang mga tagahanga at tagasubaybay nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kasisilang lamang nilang baby na si Maria Letizia o Baby Z na sinabing mas kamukha ng ama.

Pero kahit sa larawan ay ayaw pang i-share ng aktor ang kanilang anak. Gusto pa nila ni Marian na ma-enjoy si Baby Z bago pa sila maglabas ng lara­wan nito. Sa tamang panahon na inaakala nila ay ipapakita rin nila ang larawan ng sanggol.

Pero sabi ng aktor, matatagalan pa bago nila balikang mag-asawa ang kanilang trabaho. Gusto nilang maging hands on sa pag-aalaga ng kanilang anak.

Sue Ramirez napapansin na ang akting

Talagang paitaas na ang karera ni Sue Ramirez na pansin na pansin sa Pangako Sa ‘Yo bilang bagong love interest ni Daniel Padilla. Maganda ang role ni Sue bilang katunggali ni Daniel sa lahat ng bagay, simula sports hanggang sa kanikang hangarin na umangat sa buhay.

At sa proseso ng kanilang pag-aaway ay hindi na nila napuna na may namumuo na palang damdamin sa pagitan nila.

May maikling role rin si Sue sa A Second Chance ay mahusay niyang naitawid at muling napansin sa pelikula.

A SECOND CHANCE

ALIGN

ANG

BABY Z

DANIEL PADILLA

DINGDONG DANTES

EDU MANZANO

LEFT

QUOT

STRONG

SUE RAMIREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with