Walang dull moment ‘pag kasama si Gov. Vi
Maaga ang flight ko kahapon sa Boracay dahil dadalo ako ngayong hapon sa kasal ni Keith Teo, ang panganay na anak ni Roselle Monteverde at first grandchild ni Mother Lily Monteverde.
Hindi puwedeng ma-miss ko ang kasal ni Keith dahil parang apo ko na rin siya. Baby pa lang si Keith, nakakasama ko na siya sa bahay nila sa San Francisco, California sa tuwing bumibiyahe ako sa Amerika.
Ngayon, isa nang lawyer si Keith at bubuo na ng sariling pamilya niya.
“Who’s who” sa showbiz at sa business community ang mga prinicipal sponsor sa Boracay wedding ni Keith at ng kanyang fiancée na si Winni Wang.
Si Batangas Governor Vilma Santos-Recto ang nakasabay ko kahapon sa pagpunta sa Boracay dahil kabilang siya sa mga ninang.
Walang dull moment kapag si Mama Vi ang kasama dahil non-stop ang tsikahan portion namin tungkol sa showbiz at politics.
Last term na ni Mama Vi bilang gobernadora ng Batangas pero kakandidato siya na house representative ng Lipa City sa 2016. Sa ganda ng record ni Mama Vi bilang public servant, sure winner na siya.
Kasal ng apo ni Mother Lily bigatin ang mga bisita
Naka-check in sa sosyal na Shangri-La Boracay hotel ang lahat ng mga bisita sa kasal nina Keith at Winnie.
Naririto rin sa Boracay ang mga direktor na sina Chito Roño, Joey Reyes, Manny Valera at ang TAPE, Inc. executive na si Malou Choa-Fagar.
May mga invited entertainment press na na-delay ng isang oras ang biyahe dahil traffic daw sa runway ng NAIA Terminal 3.
At least, traffic lang ang naranasan nila. Hindi sila naging biktima ng laglag-bala sa NAIA na naging biruan na ng mga invited sa kasal na lumipad sa Boracay.
Ako mismo ang nag-empake ng mga gamit ko. Talagang siniguro ko na walang bala na maliligaw sa mga bagahe ko dahil wala nang pinipili ang mga tao sa likod ng tanim-bala at laglag-bala scam.
Nagtataka ako dahil maingay na maingay ang isyu tungkol sa tanim-bala at laglag-bala pero may mga nahuhuli pa rin sa NAIA. Sila ‘yung mga tao na inaako ang pagkakamali at kiyeme-kiyemeng hindi nila napansin na may bala sa kanilang mga bagahe dahil nagpalit sila ng bag.
In fairness, hindi nagkulang sa paalaala ang mga kinauukulan sa mga pasahero ng eroplano mula nang umingay ang kontrobersya tungkol sa laglag-bala at tanim-bala. Ano ang dapat itawag sa kanila?
Kobe pinuri-puri ng UCLA Bruins coach
Proud father si Benjie Paras dahil member na ng UCLA Bruins ang kanyang anak na si Kobe.
Ni-recruit si Kobe ng UCLA Bruins dahil sa kanyang mahusay na paglalaro ng basketball sa Cathedral High School, Middlebrooks Academy, at sa IBA 3x3 U18 Championship at 2014 FIBA Asia U18 Championship.
Ang Bruins head coach na si Steve Alford ang nag-welcome kay Kobe sa kanilang team. Puring-puri ni Alford ang energy at athleticism ng anak ni Benjie.
“We’re always looking for players who’ve grown up immersed in basketball, and Kobe definitely fits that mold.
“He just loves the game. To add a talented player like Kobe to our program is terrific. We like how he can attack off the dribble and get to the rim in the open court, and we’re excited that he’ll be joining us in Westwood,” ang sey ni Alford sa official statement na inilabas niya tungkol sa pagiging official member ni Kobe ng UCLA Bruins.
- Latest