UmalohokJUAN Awards pinarangalan ang PSN, Anne at Kuya Kim
MANILA, Philippines – Tinanggap nina Al Pedroche, editor-in-chief ng Pilipino Star NGAYON at Mario D. Basco, provincial editor ang tropeo mula sa bumubuo ng UmalohokJUAN Awards 2015 ang trophy bilang Best Tabloid Newspaper sa ginanap na awarding ceremony sa Jose P. Laurel Hall of Freedom, Lyceum of the Philippines University-Manila, kamakailan. Tumanggap din ng award sina Kim Atienza at Anne Curtis na kasama nila sa photo.
Ang UmalohokJUAN Awards 2015 ay inorganisa ng Department of Mass Communication, Journalism and Multimedia Arts ng College of Arts and Sciences ng Lyceum of the Philippines University-Manila. Ito ay naglalayon na parangalan ang mga personalidad at organisasyon/entidad na nangunguna sa larangan ng TV and radio broadcasting, print, advertising & public relations.
Ang nasabing event ay patungkol sa pagtanggap ng hustisya, pagkakaisa at pagkamakabayan ng sambayanang Pilipino na kabilang sa core values ng unibersidad. Sa ikalawang taon ng nasabing awards, ang mga awardee mula sa iba’t ibang kategorya ay pinili ng 20% ng kabuuang LPU Community na binubuo ng 12,892 estudyante, 420 faculty members at 245 admin/non-teaching personnel.
- Latest