^

PSN Showbiz

Ate Vi magpapaka-singer na rin

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang libreng concert sa MOA Arena ang magiging celebration ng 20th anniversary ng Sunday noontime show na ASAP 20 na gaganapin sa Pebrero 22, 2015.

Yes, dalawang dekada na pala sila.

Kaya naman pinagsama-sama nila ang mga dati at baguhan sa programa tulad ng The Hunks, Coverboys, at The Kantoboys. Andun din  Pare Konnection, Kidlots, Kidlettes at Gimme 5; at ng all-star girl power ng ASAP It Girls at ASAP IG. Hindi naman papaawat ang breath-taking dance reunions ng Sayawnara, Clashdance, Anime, Giggerboys, UD4, Supahdance, at world class musical reunions ng The Champions, Sessionistas at ang masayang barkada ng Karaokey.

Sasabak din ang Kapamilya team power ng KathNiel, Lizquen, JaDine at KimXi.

Magpapasiklab din sina Piolo Pascual, Toni Gonzaga, Bamboo and Sarah Geronimo. May reunion naman sina Martin Nievera, Pops Fer­nandez, Ariel Rivera, Zsa Zsa Padilla, Richard Poon, Kuh Ledesma, Vina Morales at Gary Valenciano. Ipapamalas din nina Arnel Pineda, Charice, Jed Madela, Erik Santos, Angeline Quinto kasama ang surprise OPM guests sa kanilang once in a lifetime collaboration ang kakaiba nilang husay.

May get-together din ang Kanto Boys kasama sina Billy Crawford, Luis Manzano, Vhong Navarro, at John Lloyd Cruz.

Hindi naman pahuhuli ang ASAP It Girls na sina Liza Soberano, Janella Salvador, Julia Barretto, Kathryn Bernardo, Bea Alonzo, Anne Curtis, Nikki Gil, Jolina Magdangal, Roselle Nava, Nikki Valdez, at Lindsay Custodio.

Magkakaroon din ng showdown ang mga nanay na sina Sunshine Cruz, Ina Raymundo, Regine Tolentino and Vina Morales.

At sa Grand Karaokey Challenge makakasama nina Luis Manzano, Alex Gonzaga at ang inaabangang pakikisaya ni Governor Vilma Santos-Recto. Yup, makikikanta ang Star for All Seasons.

Mga pelikulang patok sa Asya makikipagbakbakan na rin sa ‘Pinas

Hindi sikreto na taun-taon, namayagpag ang Pinoy at Hollywood films sa Pilipinas. Ngunit nagbago ang kinahihiligan ng mga Pinoy sa kasalukuyang henerasyon, nagkaroon ng puwang ang mga pelikulang Asyano sa bansa. Ang mga pelikula mula sa Japan, South Korea, Taiwan at China ay hindi lamang patok sa kanilang mga tagasubaybay, nahihigitan din nila ang mga pelikula sa Hollywood pagdating sa takilya. Sa pagtaas ng kalidad ng mga pelikulang Asyano, maraming Pilipino na ang nahihilig dito at nagnanais na mapanood ito sa malalaking sinehan. Dahil dito, nagtulong ang SM Lifestyle Entertainment Inc. at Viva International Pictures para maipalabas ang mga Asian films sa SM Cinema.

Nilagdaan ni  Edgar C. Tejerero, presidente ng SM Lifestyle Entertainment, Inc. at Vic Del Rosario, Chairman of the Board at CEO ng Viva Communications ang kontrata para sa pagtatag ng SineAsia. Kasabay sa pagdiriwang ng ugnayan ng dalawa ay ang pagbubukas ng pinto para sa mga tanyag na pelikulang Asyano na ngayon ay mapapanood na nang nakasalin sa Wikang Filipino.

Magiging pangunahing atraksyon sa darating na Marso ang pelikulang Gangnam Blues na pinagbibidahan ni Lee Min Ho. Kumita ito ng $7.6 sa unang linggo nito at inaasahan pang tataas sa pagpapalabas nito sa 13 pang ibang bansa sa Asya kasama na ang Pilipinas. Ginamit ng nasabing pelikula ang tanyag at popular na kanta ni Freddie Aguilar na pinamagatang Anak bilang pagbibigay pugay. Ang mga pelikulang Vegas To Macau, Once Upon a Time in Shanghai, SPL 2, Mourning Grave, My Love, My Bride at Rise of the Legend na pinagbibidahan ng mga batikang aktor kagaya ni Chow Yun Fat, Tony Jaa, Nicholas Tse, and Kim So-Eun ay ipapalabas at mapapanood din sa SineAsia Theater. Mapapanood ang mga nasabing pelikula sa mga sumusunod na sinehan na naitalagang magtampok ng mga pelikulang Asyano: SM Megamall, SM Sta. Mesa, SM Fairview, SM Iloilo, SM Bacoor, SM Cebu, SM Manila at SM North Edsa.

Bago naganap ang contract signing, inilunsad din ng Viva ang kanilang Tagalized Movie Channel (TMC) noong October 2014. Ang TMC ay ang kauna-unahang ‘pay-channel’ na magtatampok ng Tagalized na pelikula mula sa ibang bansa sa Asya dito sa Pilipinas.                                                                                               

ALEX GONZAGA

ALL SEASONS

ASYA

ASYANO

DIN

IT GIRLS

LUIS MANZANO

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with