Nora Aunor at John Rendez na-hold sa airport
MANILA, Philippines – Ay meron palang intriga nang mag-attend ng Asia Pacific Screen Awards (APSA) si superstar Nora Aunor in Brisbane, Australia. Nominado siyang best actress para sa pelikulang Hustisya.
Narinig kong pinag-uusapan na ni-request daw nitong sumama si John Rendez sa Australia. Eh may kaso raw pala ito kaya may record sa airport. Ang ending hindi raw basta-basta nakaalis ang grupo nila Ate Guy dahil na-hold sila sa airport. Eh kailangan daw nilang hintayin dahil nga gusto ng superstar na kasama ang rapper na wala naman official na pag-amin kung ano bang relasyon nila.
Sadly hindi naman daw nanalong best actress ang superstar sa APSA.
Pasko pa naman, Julia inisnab-isnab na naman ang ama
Kasing tigas na kaya ng bato ang puso ni Julia Barretto sa amang si Dennis Padilla?
Kuwento kasi ng isang witness, dinedma-dedma na naman daw ng young actress ang ama nang magkita sila sa Christmas party ng Dreamescape Unit ng ABS-CBN. Aba dinaan-daanan lang daw ni Julia ang komedyanteng ama kaya nakapag-dialogue daw ito ng kung ayaw siyang batiin ng anak ay wala na siyang pakialam. Kahit daw tanggalin pa ang apelyido niya (Dennis) ay wala na siyang magagawa, ayon sa source.
Matagal-tagal na ring isyu ang tungkol sa pag-ayaw ni Julia sa amang si Dennis to the point na ipinabubura na niya legally ang apelyido nito.
Anyway, hindi kaya naiisip ni Julia na kahit anong ganda niya kung hindi naman siya mabuti sa ama ay parang walang silbi ang ganda niya?
Magpa-Pasko pa naman.
Pero buhay naman niya ‘yan. Hayaan natin siya.
Billboards ni Pope Francis kabi-kabila na!
Habang papalapit ang pagdating ni Pope Francis sa bansa, parami rin nang parami ang mga billboards ng iba’t ibang establishments na wini-welcome ang Mahal na Sto. Papa sa bansa.
Sa Manila area lang kung saan magmi-misa at may Meeting with the Families sa Mall of Asia Arena ang Santo Papa, kaliwa’t kanan na ang billboards.
Lahat din ng TV network, may billboards kaya siguradong mapapalitan ang malalaking billboards sa Manila ng kay Pope Francis.
Kaya lang hindi kaya ma-shock ang Santo Papa pag nakita niyang mula airport hanggang sa may Malacañang kung saan may courtesy call siya sa Pangulong Aquino, sa may MOA at maging sa Tacloban ay billboards niya ang makikita niya?
Balitang Ibinilin daw ng Santo Papa na magpaka-simple lang sa kanyang pagdating.
Kung sabagay, nasasabik na ang milyong-milyong Pilipino na makiisa kaya siguro naisip din agad ng mga negosyante na photo ng Mahal na Sto. Papa ang ilagay nila bilang pagpapakita na rin ng pagmamahal nila.
Dear Pope Francis ng TV5, tumatanggap na ng sulat
Speaking of Pope Francis, handang-handa na rin sa pinaka-inaabangang event sa pagpasok ng 2015 ang TV5 at up na ang website niyang www.DearPopeFrancis.ph – ang website ng Kapatid Network na siyang magpapalawig ng karanasan at kaalaman ng publiko sa nalalapit na pagbisita ng Santo Papa.
Ang website na ito ay mayroon umanong unique set-up kung saan ngayon pa lang ay maaari nang magbigay ang bawat Pinoy ng kani-kanilang mensahe at pagmamahal kay Pope Francis sa pamamagitan ng mga personal na pagbati at welcome message bago pa man siya dumating sa Pilipinas. Meron din daw Prayer Wall kung saan maaaring iparating sa Santo Papa ang mga personal na petisyon at intensyon ng ating kalooban. Bukod rito, may pagkakataon din daw ang mga Pilipino na magbahagi ng mga kuwento at karanasan kaugnay sa legacy ng Santo Papa.
Inaanyayahan din nila ang mga Pinoy na mahilig mag-Internet na makiisa sa pagdating ni Pope Francis sa pamamagitan ng simpleng pagpo-post ng mensahe o dasal sa social media (tulad ng Facebook, Twitter o Instagram), gamit ang opisyal na hashtag na #DearPopeFrancis. Ang lahat ng mensahe sa social media na gumagamit ng #DearPopeFrancis ay lalabas rin sa nasabing website ng TV5.
Ayon Ms. Luchi Cruz-Valdez, head of the news and public affairs department of TV5, tampok rin sa www.DearPopeFrancis.ph ang mga eksklusibong storya, larawan at footage tungkol sa paghahanda at sa mismong pagdating ni Pope Francis. Magkakaroon din ng libreng livestreaming ang website kung saan malawakang masusundan ng mga Pilipino ang Santo Papa habang siya ay nasa iba’t-ibang lugar sa bansa.
- Latest