^

PSN Showbiz

Sunshine nahihirapan sa pag-aalaga ng mga anak

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Nahihirapan daw talaga si Sunshine Cruz na pagsabayin ang trabaho at pag-aalaga ng kanilang tatlong anak nila ni Cesar Montano. “Working mom is really hard. Mahirap talaga pero kailangan lang you have to explain to your kids and they should understand the situation. Noong una kasi ‘yung mga kids ko, every time na I have work parang nagiging malungkot sila. So in-explain ko sa kanila na, ‘Anak you should be thankful that mommy has work. Kasi kung walang trabaho si mommy, wala tayong kakainin. Hindi ko kayo maibibili ng maayos na damit. It’s a blessing and you should be praying na mommy will have lots of projects and work.’ So naiintindihan naman nila,” pagbabahagi ni Sunshine.

Kahit abala sa trabaho ay binabalanse ng aktres ang kanyang oras para sa mga anak.

“Ang taping is M-W-F, minsan once a week lang, minsan twice a week. So I see to it na kasama ko sila. Nagmu-malling kami, kung hindi man, sa bahay kami. Sa kuwarto kami nanonood ng TV, nagkukwentuhan kami. We catch up so okay naman. Adjusted ‘yung mga kids, walang problem. Sila pa nga ‘yung nagsasabi sa akin na ‘Mom ha, we prayed for you last night to have more pro­jects,’” kwento ni Sunshine.

Samantala, hindi raw pipigilan ng aktres ang mga anak kung sakaling gustuhin ng mga ito ang pag-aartista basta makapagtapos muna ng pag-aaral. “Bata pa naman, long way to go. Basta ang sinasabi nila actually kapag tinatanong sila if they want to join showbiz, sinasabi nila, after they fi­nished studies. So alam naman nila ‘yung prayoridad nila na nakakatuwa para sa akin na kampante na ako na at least, an early age alam na ng kids ko ‘yung priority nila,” pagtatapos ni Sunshine.

Jon dekada na ang panggagaya kay Ate Vi

Kakaibang karanasan para kay Jon Santos ang pagganap bilang si Bernadette para sa musical play na Priscilla, Queen of the Desert. Tinangkilik ang nasabing proyekto sa Pilipinas ilang buwan na ang nakararaan at naitanghal na rin ito sa Singapore kamakailan. “Napakagandang excursion outside my imperso­nation, political satire. Si Bernadette na ating binigyang-buhay dito ay fictional, kathang isip. Ang sarap-sarap na over three months, nagkaroon kami ng chance umimbento ng fictional character. Pero babalik din tayo sa politics kasi election na eh, malapit na,” nakangiting pahayag ni Jon.

Ilang dekada na ang ginagawang imperso­nation ng komedyante at sa rami ng kanyang ginagayang personalidad sa mga palabas ay mayroon siyang isang paborito dito. “I imagine siguro 30 men and 60 women. Kasi the Filipina is the one na mas madali gawing monologue kasi ang Pinay ang mas nagsasalita more than the Pinoy. Si Ate Vi (Vilma Santos) the ‘Star for All Seasoning’ ang closest to my heart. Kasi mapa-showbiz, mapa-pag-ibig, mapa-politika, mapa-womanhood, mapa-stardom, meron at me­ron siyang kuwento,” giit ni Jon.

Reports from JAMES C. CANTOS

ALL SEASONING

ATE VI

CESAR MONTANO

JON

JON SANTOS

KASI

KASI THE FILIPINA

NILA

QUEEN OF THE DESERT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with