Gov. Vi nai-stress sa mga offer ng iba’t ibang partido na kumandidatong bise presidente?!
Kung kailan naman siya patapos sa kanyang termino bilang gobernador at saka naman nagiging masakitin ni Gob. Vilma Santos. Baka naman na-stress na ito dahil hangang ngayon ‘di pa niya alam kung ano ang tatakbuhin niyang kasunod, at kung sino ang sasamahan niya. Ang dami kasi niyang alok. Paano alam nilang mabuti siyang public servant, honest pa kaya nag-uunahan ang mga partidong kunin siya.
Easy lang, Gob. Gumawa ka na lang kaya muna ng pelikula. Para ma-relax ka. Nakaka-relax ang trabaho sa showbiz ‘di ba? Baka naman nami-miss mo lang ito.
Mommy Elaine malaking kawalan
Nakikiramay ako sa pamilya ng aking ‘anak’ na si Sharon Cuneta sa pagkamatay ng kanyang butihing ina na si Mommy Elaine Cuneta. Nang huli kong makita ang lola ng inaanak kong si KC Concepcion ay akala ko ay tuluy-tuloy na ang kanyang paggaling. Kaya nagulat ako sa nabasa kong text ni KC sa social media.
Alam kong malaki ang kawalan ng yumao sa kanyang pamilya kaya nakikiisa ako sa kanilang pagdadalamhati. May she rest in peace.
Richard inunahan na ni Jewel na pakasal
Matapos ang episode nila ni Richard Gutierrez, masayang papasok sa buhay may asawa ang ex niyang si Jewel Mische. Hindi marahil palad ni Jewel na mamalagi sa showbiz.
Si Richard kaya kailan naman ikakasal kay Sarah Lahbati?
- Latest