^

PSN Showbiz

Binigyan pa ng anak at negosyo: Dalawang sexy actress pinayaman ng congressman!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Grabe naman pala ang isang congressman. Ima­­gine dalawang sexy actress pala ang pinayaman nito, yup binigyan ng bright future, ayon sa isang source.

Bukod sa tig-isang anak at saka mga negosyo, naranasan din daw ng dalawang sexy actress na ito ang sosyal na way of life nang magkaroon ng  relasyon sa Congressman na kung nagtiyaga sila sa pag-aartista na pa-sexy lang, malamang hindi sila nakapag-unlimited shopping sa Macau at nakapag-travel abroad. Grabe raw kasing mag-shopping pag sinasama sila ng magiting na congressman na hanggang ngayon ay nasa posisyon pa. Pareho raw shopaholic ang dalawang babaeng ito lalo na ng signature bags. Eh madatung daw si congressman, kaya sunod talaga sa layaw ang dalawang babae.

Si no. 1 sexy actress ay merong ibang career nga­yon at si sexy actress no. 2 ay may negosyo na rin at in fairness naman, maayos ang buhay nila pareho.

Hay siguradong pera ng bayan ang winaldas ni Cong. sa kanyang kaligayahan sa dalawang babaeng ito na ginamit ang katawan para guminhawa ang  buhay.

Luis may ari-arian na sa batangas, tuloy na sa pulitika?!

Nakapili na kaya si Luis Manzano ng bibilhing property sa Batangas? Nabanggit na ni Luis sa previous interview na  gusto niyang bumili ng resort sa Batangas kasi once na mag-retire raw siya, gusto nga niyang maging scuba diving instructor. Pero naisip agad ng iba na sign na nga ito nang pagpasok ni Luis sa pulitika. Consistent ang sagot ngayon ni Luis na may mga kinakausap pa siya bago tuluyang mag-decide kung kakandidato sa Batangas. Besides, kering-keri ni Luis na bumili kahit ilan pang property. Sa rami ng show niya at mga negosyo plus marami pa siyang tiyak na mana sa mga magulang niyang sina Batangas Gov. Vilma Santos and Edu Manzano. Saka maigi na ‘yung makabili na siya habang wala pa siya sa pulitika dahil oras na mag-decide siyang kumandidato at manalo na, at least hindi na paghihinalaan o iisipin ng kanyang mga makakalaban na galing ang ipinambili niya sa kaban ng bayan.

Malamang din na ikasal sila ni Angel Locsin bago ang election. Mahirap ‘pag nasa posisyon dahil baka ‘pag naging magarbo ang kanilang kasalan, mayari rin sila ng mga kalaban.

Anyway, bukod sa pelikulang Moron 5 na naka-schedule ipalabas sa November 5,  mapapanood na uli si Luis sa The Voice of the Philippines na magbabalik sa ere ngayong Linggo (Oktubre 26), 8:30 p.m. sa ABS-CBN.

Reunion din ang programa ng superstar coaches na sina Apl de Ap, Sarah Geronimo, Bamboo, at Lea Salonga. Mapapanood din uli rito sina Robi Domingo, Alex Gonzaga, at Toni Gonzaga and with Luis this time.

 “Masaya akong nagsama-sama ang lahat ng hosts ng The Voice this season, from Season 1 and Kids. Of course, I’m proud to be back too, since this format is really close to my heart. We get to discover more talents and I’m sure it’s going to be an exciting season,” ayon kay Toni.

Naging kakaiba at bago naman daw ang experience na ito para kay Luis, na siyang nag-host ng The Voice Kids. Bukod sa pagho-host sa Season 2, dumayo rin si Luis sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas upang personal na iabot ang envelope sa artists para pormal silang imbitahin sa blind auditions.

 “Sa The Voice Kids na-witness natin ang innate talent ng Pinoy singers kasi bata pa lang sila may boses na talagang maipagmamalaki. Parang kagwapuhan ko, bata pa lang, hindi na maikakaila. Joking aside, this season ibang experience naman for me dahil nilibot ko ang Pilipinas at nakita ko ang amazement at tuwa kapag ibibigay ko na ang envelope. Minsan sinorpresa ko sila at kinamusta bago sila sumalang sa blinds. So I got to know their inspirations and motivations,” pahayag ni Luis.

 Sa Season 2, kailangang mag-assemble ng 14 artists ang kada coach para buuin ang kani-kanilang team sa blind auditions. Bukod dito, magdadagdag din ng anghang sa laban ang kapangyarihan ng coaches na mag-‘steal.’ 

Magagamit ng coaches ang ‘steal’ sa battle rounds kung saan paghaharapin ang dalawang artists mula sa isang team. Ang losing artists na hindi pipiliing manatili ng coach ay maaaring agawin o i-steal ng isang katunggaling coach para maging bahagi ng kanyang team. Sa pagkakataong may dalawa o higit pang coaches na gustong kunin ang artist, ang artist ang pipili ng coach o team na gusto niyang lipatan, gaya na lamang sa blind auditions.

ALEX GONZAGA

ANGEL LOCSIN

BATANGAS

BATANGAS GOV

BUKOD

GRABE

LUIS

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with