^

PSN Showbiz

Gustung-gusto sanang magkuwento, Matteo sinusunod ang gusto ni Sarah na gawing pribado ang kanilang relasyon!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi natin masisisi si Sarah Geronimo sa pagbibigay nito kay Matteo Guidicelli ng kanyang matamis na oo.

Sobrang gentleman at polite ni Matteo na ideal boyfriend. Taglay niya ang lahat ng katangian ng isang mhin na magiging mabuting asawa.

Starring si Matteo sa Moron 5.2, The Transformation, ang pelikula ng Viva Films na nagkaroon ng presscon noong Martes ng gabi.

Siyempre, tungkol sa pelikula at kay Sarah ang mga question ng press kay Matteo.

Naging polite si Matteo nang sabihin nito na kahit gusto niya na magkuwento, hindi puwede dahil sa kagustuhan ni Sarah na maging private ang kanilang relasyon.

Napakagalang ng pagsasalita ni Matteo kaya hindi na siya kinulit ng mga reporter as in iginalang nila ang kanyang desisyon.

Kung ako ang nasa lugar ng mga magulang ni Sarah, magugustuhan ko si Matteo bilang boyfriend o future husband ng kanilang anak. Parang mahirap na ang makahanap ng boyfriend na kagaya ni Matteo na magalang at napakabait. Hindi ako magtataka kung siya na ang maging legal husband ni Sarah.

Pero namana naman ang talent sa pag-arte Zymic ibang-iba ang kulay sa kuya na si Zaijian Jaranilla

Magkasabay ang presscon ng Moron 5.2 at ng Yagit ng GMA 7 noong Martes.

In fairness, parehong napuntahan ng invited press ang mga presscon, hitsurang malayo ang venue ng isa’t isa.

Ayaw palampasin ng mga reporter ang pagkakataon na makausap nila si Matteo at ang ibang cast members ng Moron 5.2.

Hindi rin nila pinalampas ang presscon ng Yagit dahil ipinakilala ng GMA 7 ang mga bagong artista ng number one drama series noong dekada ’80.

Kasama sa cast ng new version ng Yagit ang former child actor na starring noon sa old version. ‘Yun nga lang, hindi umapir sa presscon ang dating child actor kaya hindi siya nakausap nang personal ng entertainment writers.

Introducing sa Yagit si Zymic Jaranilla na younger brother ni Zaijian Jaranilla.

Kung maputi si Zaijian, morenung-moreno si Zymic pero namana nito ang husay sa pag-arte ng kanyang kuya. Unang napanood si Zymic sa Niño, ang natapos na primetime drama ng Kapuso Network. Napakabata pa nina Zaijian at Zymic para intrigahin dahil mga contract sila ng rival networks.

Renz kuhang-kuha ang mga kilos at boses ng ama, parang nabuhay si Daboy

Isang pulis ang role ni Renz Fernandez sa Yagit at isa siya sa mga manliligaw ni Dolores na ginagampanan ni Yasmien Kurdi.

Si Rudy Fernandez ang naalaala ng mga reporter nang ipakita sa presscon ng Yagit ang mga eksena ni Renz dahil kaboses na kaboses nito ang pumanaw na ama.

Hindi lang ang boses ni Daboy ang minana ni Renz. Pati ang mga kilos ng kanyang ama, kuhang-kuha niya.

Sa October 13 na ang pilot telecast ng Yagit at mapapanood ito tuwing hapon mula Lunes hanggang Biyernes. Marami ang nagsasabi na bagay din na ilagay sa primetime slot ng GMA 7 ang Yagit dahil pambata rin ang kuwento nito.

LJ ang sama-sama sa mga batang yagit!

Kontrabidang-kontrabida si LJ Reyes sa Yagit. Kasama siya sa mga magpapahirap sa mga bata na bida ng afternoon show ng Kapuso Network.

Naglagare si LJ noong Martes dahil dalawang showbiz event ang pinuntahan niya, ang presscon ng Yagit at ang red carpet premiere ng The Janitor na palabas na ngayon sa mga sinehan.

Malapit sa GMA 7 ang venue ng premiere night ng The Janitor kaya hindi naging problema kay LJ ang trapik na nagpahirap uli sa mga kababayan natin noong Martes ng gabi.

vuukle comment

DABOY

KAPUSO

KASAMA

MATTEO

RENZ

YAGIT

ZAIJIAN JARANILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with