Mark maalaga at maalalahanin sa pamilya at mga kaibigan
I stand corrected. Ang Pepito Manaloto pala at hindi ang guesting sa Magpakailanman ang last TV appearance ni Mark Gil. Parehong programa ng GMA 7 ang Pepito Manaloto at ang Magpakailanman.
Year 1980 naman nang ipalabas sa mga sinehan ang Miss X, ang pelikula nina Mark at Batangas Governor Vilma Santos na kinunan sa Amsterdam.
Kasama ako sa shooting ng Miss X sa Europe at dito ko nakilala nang husto sina Mark at Mama Vi.
Naalaala ko pa ang T-shirt na pilit na hinaharbat ko kay Mark pero tumanggi ito dahil ipapasalubong daw niya kay Cherie Gil.
Hindi ko malilimutan ang paglalagay ni Mark ng kumot sa katawan ko habang natutulog ako sa sofa. Sa sobrang antok, hindi ko na namalayan na nalaglag na pala sa sahig ang kumot ko.
Bago ako naging close kay Mark, ang nanay niya na si Rosemarie Gil ang unang naging kaibigan ko. Nagsisimula pa lang noon ang career ko bilang showbiz reporter nang makilala ko si Mama Rosemarie. Si Douglas Quijano ang nag-introduce sa akin kay Mama Rose kaya bata pa lamang sina Michael, Mark, at Cherie, kilala ko na sila.
Request ni Mark na ‘wag paglamayan, sinunod ng pamilya
Si Mark ang nag-request sa kanyang pamilya na ipa-cremate agad ang bangkay niya at huwag nang magkaroon ng lamay.
Napanood ko sa TV ang pagbabasa ni Michael sa official statement ng Eigenmann family tungkol sa pagpanaw ni Mark.
Bato ang puso ng mga hindi naantig habang binabasa ni Michael ang statement at nakapaligid sa kanya ang mga miyembro ng pamilya na nag-iiyakan at magkakahawak-kamay. Kilala sa showbiz ang mga Eigenmann bilang tight-knit family.
Kasalang Heart at Sen. Chiz ang ingay-ingay na, Balesin lalong sumisikat
Sa February 2015 pa ang intimate wedding nina Heart Evangelista at Senator Francis Escudero pero ang ingay-ingay na agad nito.
Masyadong kontrobersyal ang nalalapit na pag-iisang dibdib ng dalawa dahil sa sari-saring intriga at kontrobersya na lumilitaw.
Kesyo may na-bump off na kasal sa Balesin Island dahil inagaw nina Heart at Papa Chiz ang February 14 na date at kung anik-anik pa.
Sa totoo lang, ang mga tao rin na mahilig mang-intriga ang nagpapalaki at nagpapaingay tungkol sa pagpapakasal nina Heart at Papa Chiz.
Sila ang dapat pasalamatan ng Balesin Island management na umaani ng sangkatutak na free publicity dahil damay sa isyu ang resort na favorite ng aking best friend na si Pinky Tobiano.
In fairness kay Heart, noon pa nito sinabi sa akin na gandang-ganda siya sa Balesin Island at dito niya pinapangarap na ikasal.
Kung totoo man o hindi na may kasal na nasagasaan ng pinaplano na February 2015 wedding nina Heart at Papa Chiz, hindi na nila kasalanan ‘yon. Ang management pa rin ng Balesin Resort ang nagdedesisyon. Sa kanila pa rin ang last say!
Basta ang alam ko, mas mauunang ikasal sa Balesin ang best friend kong si Pinky kay Papa Juancho Robles sa January 30.
Wedding gown ni Marian siguradong iba sa isinuot ni Angelina
Sa wakas, nakita ko na ang wedding gown na ginamit ni Angelina Jolie nang magpakasal ito kay Brad Pitt noong August 23.
Totoo ang tsismis na ang Atelier Versace ang creator ng wedding gown ni Angelina dahil sa kanyang favorite Versace designer, ang master tailor na si Luigi Massi.
Simple but very elegant ang floor-length wedding gown ni Angelina. I’m sure, marami ang manggagaya at kokopya sa kanyang wedding gown.
Definitely, malayo sa wedding gown ni Mrs. Pitt ang wedding gown na isusuot ni Marian Rivera sa kasal nito kay Dingdong Dantes sa December 30. May idea na ako sa fashion designer na gagawa ng wedding gown ni Marian pero my lips are sealed. Wait na lang tayo sa next announcement ni Marian.
- Latest