^

PSN Showbiz

Angel gustong tapatan ang tatlong Darna ni Gov. Vi

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Ang Filipino heroine na Darna na likha ng yumaong nobelistang si Uncle Mars Ravelo ay ma­ka­ilang beses nang binig­yang-bu­hay sa pelikula at telebisyon. Ang unang movie version ng pe­likulang Darna ay pinagbidahan ni Rosa del Rosario in 1951 at idi­nirek ni Fernando Poe, Sr. Muli itong ni-remake sa pelikula in 1963, 1964 at 1969 na magka­ka­hi­walay na pinagbidahan nina Liza Moreno, Eva Montes at Gina Pareño. Nagkaroon naman ng magkahiwalay na version ang Dar­na na parehong pinagbidahan ni Vilma Santos in 1973 (na dinirek ni Maning Borlaza) at noong 1979 na idinirek naman ni Armando Garces. 

Gumanap ding Darna noon sa pelikula si Rio Locsin. Taong 1977 naman nang magkaroon ng TV series ang Dana na pinagbidahan ni Lorna Tolentino at idi­nirek (for TV) ni Kitchie Benedicto. In 1979, nagkaroon ng spoof ang Darna sa pa­ma­magitan ng Darna Kuno na pinagbi­dahan ng co­medy king na si Dolphy at idinirek ni Luciano “Chaning” Carlos. 

Muling bumalik si Vilma Santos sa pagbi­bida ng Darna at Ding na pinagtambalan nila ng child superstar noong si Niño Muhlach.  Ito’y idinirek nina Erastheo “Baby” Navoa at Cloyd Robinson. 

Taong 1991 naman nang muling buhayin ang character ni Darna sa pelikula ni Nanette Medved na dinirek noon ni Joel Lamangan under Viva Films and in 1994, muling ibinalik ang character ni Darna sa version naman ni Anjanette Abayari na magkatulong na idinirek nina Peque Gallaga at Lore Reyes.  And that was 20 years ago. Taong 2005 nang gawing TV series ng GMA ang Darna at ito’y pinagbidahan ni Angel Locsin na siyang naging tulay ng kasikatan na kanyang tinatamasa ngayon.  In 2009, muling ni-revive ng GMA ang Darna TV series sa pamamagitan ni Marian Rivera.

Twenty years later, ang Darna ay muling bubuhayin sa pelikula ng Star Cinema sa susunod na taon (2015) at ito’y pagbibidahan ng nobya ni Luis Manzano na si Angel Locsin at ito’y ididirek ni Erik Matti.

Ang sikat na character ni Darna ni Uncle Mars Ra­velo ay magpapatuloy sa marami pang henerasyon na mahigit anim na dekada nang patuloy na tinatangkilik ng samba­yanang Pilipino.

Sa lahat ng mga nagsiganap ng Darna, ta­nging si Angel Locsin lamang ang nagkaroon ng TV version and a movie version nito at si Vilma Santos naman ang tatlong beses gumanap sa Darna sa pelikula.

Ngayong naihayag na ng Star Cinema ang mu­ling pagsasapelikula ng Darna na pagbibidahan ni Angel, naghihintay naman ang ibang stars ng ABS-CBN na mabigyan ng break na gumanap sa iba pang classic characters na likha rin ng pamosong nobelistang si Uncle Mars Ravelo tulad ng Lastikman, Kapitan Boom, Trudis Liit, Captain Barbell, Tiny Tony, Varga, Elektra, Valentina at iba pa.  Ang Dyesebel na ginagampanan ngayon ni Anne Curtis ay malamang gawin ding pelikula ng Star Cinema. 

Dahil sa announcement ng Star Cinema, malamang na mabalam ang planong pagpapakasal nina Luis Manzano at Angel. At kung magpapakasal man sa isang taon ang dalawa, malamang na tapusin muna ni Angel ang shooting ng Darna na siya niyang priority sa ngayon.

Samantala, inamin ni Angel na kahit sumasa­gi na sa usapan nila ni Luis ang planong paglagay sa tahimik, wala pa umano silang konkretong pla­no hinggil dito. Sa ngayon, priority kina Angel at Luis ang kanilang respective careers habang patuloy naman nilang ini-enjoy ang kanilang relasyon mag­mula nang sila’y magkabalikang-muli noong nakaraang Feb­ruary 1 after four years of break-up.  Na­­ngako naman si Luis na sa kasalan na mauuwi ang relasyon nila ni Angel na hindi na umano niya pakakawalang muli.

ANGEL

ANGEL LOCSIN

DARNA

LUIS

NAMAN

SHY

STAR CINEMA

VILMA SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with