Angel ramdam na ramdam ang suporta ni Luis
Malaki ang pasasalamat ni Angel Locsin sa pagiging maunawain ng kasintahang si Luis Manzano. Kahit hindi masyadong nagkakasama dahil sa kanilang mga ginagawang proyekto, ay nagkakaintindihan naman daw ang dalawa. “Napakaswerte ko talaga. Nagpapasalamat ako na gano’n ‘yung boyfriend ko, kasi hindi naman lahat nakakaintindi sa trabaho namin. Ang haba nang oras ng taping namin, tapos hindi kami nagkikita masyado. So napakaswerte ko lang na pinapahalagahan niya ‘yung trabaho na minamahal ko,†nakangiting paliwanag ni Angel.
“Naiintindihan niya din naman dahil same business naman kami, dahil gano’n din naman ang mommy at daddy niya ‘di ba?†dagdag ng aktres.
Sa katatapos pa lamang daw na teleserye ni Angel na The Legal Wife ay sinuportahan din ni Luis si Angel. “Napaka-supportive niya at proud na proud siya lalo na ‘pag meron akong magagandang eksena na napakita, kaya napakaswerte ko talaga,†giit ni Angel.
Samantala, isa ang dalaga sa magiging mentors ng I-shine Talent Camp 3 na magsisimula sa June 28. Ang dalaga ang napiling acting mentor para sa pinakabagong season ng nasabing palabas kaya suportado rin ni Luis si Angel dito. “Ang sarap ng pakiramdam ‘pag proud s a’yo ang karelasyon mo. Gano’n ‘yung pinaparamdam niya sa akin, at ibinabalik ko lang ‘yon sa kanya. At saka nakaka-proud din naman talaga siya,†pagtatapos ng aktres.
Anak ni Pokwang, gustong mag-commercial model
Aminado si Pokwang na malaki ang paghanga ng kanyang anak na si Mae kay Enrique Gil. Kaya noong nag-debut si Mae kamakailan, ay inimbitahan ng aktres si Enrique para isorpresa ang anak. Laking gulat naman ni Mae dahil sa ginawang ito ni Pokwang. “Siyempre na-surprise ako at hindi ko alam na pupunta pala siya. So no’ng nakita ko siya naging happy ako lalo, parang gano’n. Thankful ako na nakapunta siya,†kwento ni Mae. “He’s my crush pero hindi naman ga’non na crush na crush,†dagdag ng dalaga.
Maganda ang anak ni Pokwang kaya marami ring humihikayat dito na mag-artista na rin katulad ng ina pero mas gusto raw nito na makatapos ng pag-aaral. “Gusto ko munang makatapos mag-aral. ‘Yun din ‘yung gusto ng mom ko, na makapag-aral muna ako. Sobrang importante kasi ‘yun na lang ‘yung hindi mawawala sa akin eh. Kumbaga paglaki ko, ‘yun na talaga ‘yung kailangan ko talaga sa lahat ng bagay,†giit ni Mae.
Ngayon ay kumukuha siya ng kursong Culinary Arts at kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto lamang daw ni Mae na makagawa ng TV commercial. “Napag-usapan namin ng mom ko ‘yan. So okay naman sa kanya at okay din naman sa akin,†nakangiting pahayag ng dalaga. Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest