Nora, Vilma rivals pa rin!
Kahit semi-retired na sila, magkalaban pa rin bilang best actress sina Nora Aunor at Vilma Santos sa isang award giving body na nakatakdang magparangal sa mga pelikula at artistang lokal. Ibig sabihin lang, hindi pa kumukupas ang magkaribal. At kahit sa indie at hindi sa mainstream sila gumaÂgawa ng pelikula, nagkukrus pa rin ang kanilang mga landas.
Richard ipakikita ang galing sa martial arts
Mabuti naman at sasabak na rin sa pelikula si Richard Yap. His fans will surely appreciate na makita siyang nag-aaksyon para maiba naman sa napapaÂnood nilang pagiging asawa nito kay Jodi Sta. MaÂria at pagiging nakatakdang ama ng kambal.
Marami ang hindi nakaaalam na isang martial expert pala si Ser Chief. Akala nila ay kusinero lamang ito. Ngayon, makikita na nila na versatile rin pala ito. Let’s hope magustuhan nila siya sa action.
Chiz walang planong takbuhan si Heart
Kilig naman ang mga manonood sa ginawang kumpirmasyon ni Sen. Chiz Escudero na pakakasalan niya si Heart Evangelista. May inaayos lamang siyang konting problema, pero sandali na lamang at magiÂging mag-asawa na sila ng aktres.
Kaya, kayong maka-Heart, huwag na kayong mainip. Hindi tatakbuhan ng senador ang idolo n’yo.
- Latest