Indie film tumutumal na?!
MANILA, Philippines - Nabawasan na rin ang mga indie film na ipinalalabas. Kung noong nakaraang taon ay halos hindi nawawalan ng mga independent film na palabas, halos linggo-linggo yata, ngayong taon ay parang tumumal. Bibihira lately ang pinalaÂlabas.
Na-realize yata ng ilang producer walang gaanong kita dahil wala naman masÂyadong nanonood kahit ipalabas pa sa mga commercial theater. Sila pa nga ang nagagastusan ng doble dahil kailangan din nilang magbayad sa mga sinehan na paglalabasan ng kanilang pelikula.
Three weeks ago ay may napanood akong indie movie. In fairness, maayos naman ang pagkakagawa kahit may butas ang kuwento pero mga de kalibre – award-winning ang mga artista. Graded A pa ng Cinema Evaluation Board (CEB). Ang kaso mo, naipalabas at naipalabas na lang sa mga sinehan, wala man lang naging kaingay-ingay. At parang mabibilang sa mga daliri ang nanood. Kaya ang ending, first day last day sa pinaglabasang sinehan.
Sa panahon talaga ngayon walang kasiguruhan kung kikita ang ginawa mong pelikula kahit pa anong galing ng mga artista at gaano katino ang kuwento ng indie.
Iba kasi ‘yung sa Cinemalaya Filmfest na may sariling market na. MaraÂming estudyante ang naghihintay sa mga pelikulang kasali rito dahil malaya silang nakakapanood ng mga pelikulang bawal sa kanila sa mga commercial tÂheater. Kahit anong laswa ng tema ng pelikula sa Cinemalaya, dahil cinemalaya nga, puwede nilang mapanood dahil hindi sakop ng classification ang mga kasali sa taunang filmfest na ginaganap sa Cultural Center of the Philippines.
Goma naghahanap pa ng mga makakasama sa Philippine Volleyball Federation
May hindi pa kaya kayang gawin si Richard Gomez pagdating sa sports?
Aba pagkatapos sa rowing, fencing and shooting, kasama naman siya sa ngayon sa maglalaro sa Asian Men’s Club Volleyball Championship (AMCC) na gaganapin sa bansa sa April 8 to 16. Member siya ng Men’s PLDT Home TVolution team (Philippine Team) para sa Philippine Volleyball Federation (PVF).
Kasama niya sa grupo sina JP Torres, Ron Jay Galang, Jeffrey Malabanan, Alnakran Abdilla at si Goma nga. Pero nagpapa-tryout pa rin sila dahil may mga kailangan pa sila sa ibang positions. “Only the best and dedicated players will be chosen. We want to form a very competitive team for the AMCC,†sabi ng kanilang national coach na si Francis Vicente.
Eighteen nations from across Asia ang maglalaban-laban para irepresent ang region sa 2014 Federation Internationale de Volleyball (FIVB) Volleyball World Championship sa Betim, Brazil sa May ng kasalukuyang taon.
Volleyball ambassador na si Goma ng Philippine Superliga (PSL).
Lahat ng laro ng Philippine Team ay mapapanood sa TV5, ang official broadcast partner ng AMCC.
Mga kandidata sa Binibining Pilipinas 2014 tini-train ng mga nanalo na
Ano kaya ang mga pinagdadaanan ng mga kandidata ng inaabangang Bb. Pilipinas 2014 para makarating sa kanilang pangarap na maging bahagi ng pinakamaÂlaking beauty pageant sa bansa?
Malalaman ang kasagutan ngayong Linggo (Marso 23) sa Bb. Pilipinas 2014: The Road to the Crown na mapapanood sa Sunday’s Best ng ABS-CBN ng 9:45pm.
Ang ilan sa mga nagsilbing gabay sa mga kandidata ay ang mga nakadanas na ng paglalakbay na ito.
Ang make-up workshop ay pinangunahan ni Miss Universe Philippines 2013 runner-up Ariella Arida, kung saan nagbigay din siya ng challenge na makagawa ng daytime make-up look sa loob ng 20 minuto na kailangang mai-transform din nila sa isang nighttime make-up look sa loob ng 10 minuto.
Sina Bb. Pilipinas Tourism 2013 Joanna Cindy Miranda at Bb. Pilipinas Supranational Mutya Johanna Datul naman ang nagbigay ng workshop para sa pagsayaw, kung saan tinuruan nila ang mga kandidata kung paano dapat mag-“let loose†ang isang beauty queen.
Ang workshop para sa question and answer portion naman ay nagsimula sa isang word game noong pumunta ang mga kandidata sa Montemar Beach Club sa Bagac, Bataan. Itinuro ito ni Bea Rose Santiago, Bb. Pilipinas International 2013.
Maliban sa mga workshop, hatid din ng Bb. Pilipinas 2014: The Road to the Crown ang naganap na National Costume Competition, kung saan tampok ang mga damit na disenyo ng mga kilalang local designer. Ngayong Linggo, iaanunsiyo na ang nagwagi sa kompetisyon.
- Latest