^

PSN Showbiz

PSN ate ng Philippine Star, ka-birthday ng mga sikat!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Twenty eight years old na ang Pilipino Star NGAYON (PSN)  ngayong araw,  March 17,  dahil itinatag ito noong 1986. Bahagi na ng kasaysayan ang PSN dahil unang lumabas ang kopya nito, ilang linggo matapos ang EDSA People Power Revolution.

Kung naging tao ang PSN, ka-birthday (hindi kasing edad) nito sina Paolo Bediones, Rico Blanco, ang American singer na si Nat King Cole at ang American actor na si Rob Lowe.

Year 1985 nang ipanganak sina Anne Curtis, Heart Evangelista, Angel Locsin at Diana Zubiri kaya matanda lamang sila ng isang taon sa PSN. Sino ang mag-aakala na darating ang araw na mababasa ng mga nasabing aktres ang mga sarili nila sa PSN?

Sister newspaper ng The Philippine Star ang PSN pero iilan lang ang nakakaalam na kumbaga sa magkapatid, ang PSN ang ate ng Philippine Star dahil July 28, 1986 ang birthday nito. Apat na buwan ang tanda ng PSN sa Philippine Star.

Pilipino Star NGAYON ang dating tawag  sa PSN pero nang tumagal, nasanay na ang readers sa PSN dahil mas madali itong bigkasin.

Nananatiling matatag ang PSN, sa kabila ng sandamakmak na pagsubok na pinagdaanan.

Bilang kolumnista ng PSN, marami akong unforgettable moments dahil may mga nag-react nang bayolente sa mga isinusulat  ko. Naranasan ko na ireklamo at mademanda pero sa bandang huli, ang kasaysayan ang maghuhusga kung nagkamali nga ba ako sa isang kontrobersiyal na isyu na nangyari, ilang taon na ang nakalilipas.

Kumbinsido ako na marami talaga ang nagbabasa ng PSN dahil sa mga feedback na natatanggap ko mula sa readers at sa mga artista.

Sure na sure ako na nagbabasa ng PSN si Batangas Gov. Vilma Santos-Recto dahil nakakatanggap ako sa kanya ng mga text messages kapag isinusulat ko siya. Si Mama Vi ang good example ng public figure na marunong magpasalamat kaya love na love siya ng industriya.

Regular readers din ng PSN ang mag-inang Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez. Ilang beses na akong nakatanggap noon ng phone call mula kay Ruffa kapag may reak­siyon o opinyon siya sa mga isyu na ibina­balita ko na may kinalaman sa kanya.

Online readers namimigay ng pasalubong

Malakas din ang online edition ng PSN dahil sa mga e-mail na natatanggap ko mula sa Pinoy readers na nasa ibang panig ng mundo.

Pagpatak ng alas-dose ng gabi, nakatutok na sila sa kanilang mga computer para basahin ang online edition ng PSN.

May readers na nagpadala sa akin ng chocolates bilang pasalubong kapag dumarating sila mula sa ibang bansa dahil sinusubaybayan nila ang column ko sa PSN. Natuwa nga sila nang malaman nila na nababasa na rin sa Internet ang PM o Pang-Masa, ang pinakabunso ng PSN at Philippine Star.

Nagpapasalamat ako kay Papa Miguel Belmonte, ang big boss ng Star Group of Companies, dahil siya ang nagbigay sa akin ng column sa PSN. Originally, sa PM lamang ako nagsusulat at idea ni Papa Miguel na bigyan ako ng space sa PSN.

Proud ako na sabihin na kapamilya, kapuso at kapatid ako ng PSN dahil sa maganda at maka­taong trato ng management sa mga kolumnista, contributor, at empleyado.

Masarap ang pakiramdam na mapabilang sa isang diyaryo na pinagkakatiwalaan ng readers at advertisers. Happy 28th anniversary PSN!

AKO

ANGEL LOCSIN

ANNABELLE RAMA

DAHIL

PHILIPPINE STAR

PILIPINO STAR

PSN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with