^

PSN Showbiz

Pakpak ni Kylie fake na fake; Gerald kinakawawa ng detractors sa pagkakasama sa Dyesebel

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Biktima uli si Gerald Anderson ng kanyang detractors na hindi matanggap na kasali siya sa cast ng Dyesebel.

Nagsasayang ng pagod ang detractors ni Gerald dahil siguradung-sigurado na ang participation niya sa Dyesebel.

SCENE: Si Don Cuaresma ang direktor ng Dyesebel ng ABS-CBN. Overwhelmed si Don sa powerhouse cast ng kanyang biggest television project.

SEEN: Ang Sana Bukas Pa ang Kahapon ang next project ni Paulo Avelino sa ABS-CBN, kahit hindi pa natatapos ang Honesto.

SCENE: Dumalo si Congressman Manny Pacquiao sa traditional New Year’s Vin d’honneur na ginanap sa Malacañang Palace noong Huwebes.

Imbitado ni P-Noy sa Vin d’honneur ang mga miyembro ng Diplomatic Corps, Cabinet members, at matataas na government officials ng bansa..

SEEN: Fake na fake ang mga flying scene at pakpak nina Jean Garcia at Kylie Padilla.

Puwede pa na ma-improve ang special effects ng Adarna.

SCENE: Ang Third Eye ang opening salvo ng Regal Entertainment, Inc. ngayong January. Sina Carla Abellana, Ejay Falcon, Camille Prats, at Denise Laurel ang mga bida sa Third Eye.

Seen : Inaasahan ang pagdalo ni former Senator Ramon Revilla, Sr. sa privilege speech ng kanyang anak na si Senator Bong Revilla, Jr. sa senado sa January 20,2014. 

Scene : “ Oo” ang nagpakatotoo na sagot ni Anne Curtis nang tanungin ito sa presscon ng Dysebel kung umiinom (ng alak) pa rin siya.

Seen :  Sumali uli sa Bb. Pilipinas 2014 si Pia Wurtzbach aka Pia Romero, ang Starmagic talent na 1st runner up sa Bb. Pilipinas 2013.

Nag-submit din ng application sa Bb. Pilipinas 2014 ang ibang thank you girls ng Bb. Pilipinas 2013.

ANG SANA BUKAS PA

ANG THIRD EYE

ANNE CURTIS

CAMILLE PRATS

CONGRESSMAN MANNY PACQUIAO

DENISE LAUREL

DIPLOMATIC CORPS

DYESEBEL

EJAY FALCON

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with