Wig pala ang suot aktres nagpapa-chemo, ibinuko ng kapatid ding aktres
Curious kami kung alam ng aktres na ito na parang may blow by blow account ang kapatid niyang aktres din tungkol sa sakit niya. Alam kaya ng aktres na tinu-tweet ng ate niya ang medical procedure na ginagawa sa kanya at nitong huli pati ang pagpapa-chemo niya ay ibinabalita sa followers nito.
Pati ang pagpapa-shave ng hair ng aktres dahil sa chemo ay twinet ng kapatid. Hindi kami sure kung may Twitter account ang aktres na may sakit, but in fairness, sa kanyang Instagram account, pinost nito ang picture nang gupitan siya at kalbuhin dahil nalagas ang buhok dahil sa chemo.
Nakikita namin ang aktres tuwing may press visit kami sa soap kung saan siya kasama. Hindi namin napapansing wig ang suot niya dahil mula sa umpisa ng soap, ‘yun na ang style ng buhok niya. The next time mag-press visit kami, tatanungin namin ang aktres kung puwedeng pag-usapan ang sakit niya.
Tulad sa lindol at ‘tsunami’
Direk Joyce natakot pasabugin ang Mayon Volcano, baka raw magkatotoo
Kakuwentuhan namin si Direk Joyce Bernal sa presscon ng Kimmy Dora (Ang Kiyemeng PreÂquel), kung saan isa siya sa mga producers. Sabi nito, nakakatawa raw talaga ang prequel at dapat hindi palampasin ng fans ni Eugene DoÂÂmingo at mga nakapanood ng dalawang unang Kimmy Dora.
May na-share si Direk na plano nilang mga producer sa Kimmy Dora (Ang Kiyemeng Prequel), pero saka na namin isusulat. Hindi pa right time, basta marami raw ang matutuwa sa gagawin nila.
Nabanggit din ni Direk Joyce na may ilang days na lang ang natitira sa taping ng Genesis dahil ang alam, hanggang this December na lang ang airing ng soap. Nagulat ito nang malamang hanggang first week ng January 2014 pa ang airing nila, kaya baka madagdagan din ang taping days nila.
Kuwento nito, may spaceship sila sa ending ng Genesis, pero hindi na nila itinuloy ang eksenang saÂsaÂbog kunwari ang Mayon Volcano dahil napansin nilang nagkakatotoo ang mga eksena sa soap at sa totoong buhay.
Gaya na lamang sa opening scene ng Genesis na may lindol, nagkaroon ng lindol sa Bohol. May eksena rin sa soap na may tsunami, kasunod noon nagÂkaroon ng storm surge sa Tacloban dala ng bagÂyong Yolanda. Kaya ayaw na nila ni Direk Mark Reyes na gawin ang eksenang pagsabog ng MaÂyon Volcano.
Kinongratulayt din ng press si Direk Joyce sa ganda ng trailer ng 10,000 Hours, entry sa MMFF na pinagbibidahan ni Robin Padilla. Ang ganda ng eksena sa kanal ng Amsterdam at halatang ginastusan ang pelikula.
Dennis napa-‘oh my’ sa katawan ni Heart
Pati si Dennis Trillo, nag-comment sa napaka-sexy na pictures ni Heart Evangelista na pinost ng aktres sa kanyang Instagram (IG). “Oh my†lang ang nasabi ni Dennis na obviously, pina-follow si Heart.
Siguradong gusto rin ni Dennis na makita pa ang ibang pictures ni Heart for Tanduay, kaya ilabas na! Si KC Concepcion ang pinalitan ni Heart as Tanduay Calendar Girl 2013.
Aljur kumpirmadong nakakaarte
Natutuwa si Aljur Abrenica ‘pag naririnig ang comment na malaki ang improvement ng acting niya at nakikita ito sa Prinsesa ng Buhay Ko. Pati ang ka-love team niyang si Kris Bernal nararamdaman ito at masaya ito para sa kanya.
Ayon kay Aljur, nagbunga ang walang tigil niyang pag-attend ng workshop at ang effort niyang mas gaÂlingan pa ang acting. Nakapagpondo na raw siya ng emosyon sa karakter niya bago sila mag-start ng taÂping, kaya buo ang karakter ni Nick na kanyang ginaÂgampanan. Gusto lang niya, totoong atake ang gawin niya.
Mukhang hindi lang ang acting ni Aljur ang bago sa kanya, nabago rin ang tingin nito sa mga pulitiko at sa politics after ng bagyong Yolanda. Sana raw mamulat na ang mga Filipino na matagal na tayong pinaiikot ng mga pulitiko at ‘wag nang magpagamit lalo na ‘pag election time.
Anyway, dito magpa-Pasko sina Aljur at pamilya niya, pero sa December 27, pupunta sila ng Hongkong at hindi pa alam kung doon magnu-New Year o babalik dito bago ang Bagong Taon.
Vin Abrenica hindi ginawang bida sa remake ng koreanovela ng TV5
Ire-remake ng TV5 ang Korean novela na Baker King at ang US show na Pretty Little Liars. Binili ng network ang rights sa dalawang shows at next year na gagawin. Ang sabi, magpapa-audition ang TV5 ng mga bida na gaganap sa two shows, pero isasama rin ang contract stars ng istasyon.
Sa Baker King, sa second lead lang si Vin Abrenica, male winner ng Artista Academy na hindi pa yata nito alam dahil parang nagulat si Aljur Abrenica na hindi ang kapatid ang bida kundi kapatid ng bida.
Hinihintay din namin kung sino ang papasok sa cast ng Pretty Little Liars at wala raw sina Eula Caballero at Ritz Azul dahil may ibang show na ibibigay sa kanila.
- Latest