Marian inako ang pagtulong sa mga mangingisdang nasalanta
May mga tao talagang ayaw maging magkakaibigan ang mga artista from different networks at gustong magkakalaban sila.
Ginawang isyu ng ibang nakabasa ang “get well soon Yan!†message ni Angel Locsin para kay Marian Rivera sa Instagram (IG) dahil hindi naman daw close ang dalawa. Granted na hindi sila close pero friends pa rin sila. ’Kaloka!
Ilang araw nagkatrangkaso si Marian dahil na-over fatigue sa sunud-sunod na travel dagdag pa ang sunud-sunod na event na kanyang pinuntahan. Bumigay ang katawan nito at nagkasakit after ng GMA Kapuso Foundation sa Cebu.
Mabuti at hindi na nito kailangang magpa-ospital, sa bahay na lang siya nagpagaling at nagpapahinga dahil sa umaga ng Dec. 5, lilipad siya patungong Singapore para mag-attend sa Asian TV Awards. Nominated si Marian bilang best actress in a leading role para sa Temptation of Wife. Sa hapon ng Dec. 6 ang balik niya sa Pilipinas.
Kabilang sa makakalaban ni Marian sa category na ito si Lorna Tolentino para sa Pahiram ng Sandali pero wala kaming balita kung dadalo ang huli sa awards night.
Anyway, noong nasa CeÂbu si Marian, nakita niya ang ibang pangangailangan ng mga biktima ng Yolanda, lalo na ang mga mangingisÂda na nawalan ng bangka. NaiÂsip niyang tulungan sila sa biÂnuksang project na Oplan Bangka. Nagpapatulong ang akÂtres sa mga kumuha sa kanya na endorser at nangaÂko ang mga ito na tutulungan siya sa kanyang livelihood project. Inalam na ni Marian kung magkano ang isang bangka para makaipon ng kakailanganing pera.
Jestoni ikinalat ang sikreto ng pagiging bata ang hitsura
Nagpasalamat si Jestoni Alarcon sa comment ng press na nag-interview sa kanya sa presscon ng Pedro Calungsod, Batang Martir dahil sa kumento sa kanya na hindi siya tumatanda. Puwede pa siyang leading man at sa Call Center Girl, siya ang kapareha ni Pokwang.
Hindi sinabi ni Jestoni ang exact age niya at hindi kami sure kung totoong magpu-40 years old pa lang siya pero kung may ipinagbago man hindi mahahalata. Ang sikreto niya ay wala siyang bisyo, may disiplina sa pagkain, at nag-i-exercise.
Happily married siya at may mababait na mga anak at sabi nito, ’pag okay ang pamilya ng tao, okay din ang trabaho at isa siyang halimbawa. Thankful ito sa sunud-sunod na trabaho. This year may three soaps siya at ang latest ay ang Adarna.
Kasama rin siya sa filmfest entry na Pedro Calungsod at masaya siya dahil markado ang role niya bilang si Capt. Santacruz, Spanish leader na magiging protector ni Pedro Calungsod. Wish ni Jestoni na maging maganda ang box-office result ng movie sa direction ni Francis Villacorta.
- Latest