^

PSN Showbiz

Serye ni Julia masasakripisyo para kay Kathryn

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

May mga bulung-bulungan na mali­lipat diumano ng time slot ang teleserye ni Julia Montes na Muling Buksan ang Puso dahil sa bagong proyekto ni Kathryn Bernardo na Got to Believe. Noon pa pinagtatapat sina Kathryn at Julia kaya hindi maiiwasang magkaroon ng iringan sa pagitan ng dalawa.

“On that part po kasi wala po talaga kaming alam sa time slot. Basta ang alam namin papasok sina Kathryn anytime. Sa part namin ni Kathryn kahit anong push sa amin ng tao, wala kasi sa amin ’yun kaya hindi rin ako napi-pressure na. ‘Naku! Mamaya may something na sa amin ni Kathryn.’ Kasi talagang okay na okay kami at super suppor­tive kami sa isa’t isa. And I’m happy for her na anytime soon eh papasok na rin siya,” paglilinaw ni Julia.

Walang problema sa dalaga kung sakali mang mabago ang time slot ng kanilang palabas. “Basta ang mahalaga po eh ’yung sumusuporta sa amin eh sa time slot na bago eh sumuporta pa rin po,” giit ni Julia.

Naranasan na rin ng aktres ang pangyayaring ito dahil nang magsimula ang kanilang serye ay napalipat din ng time slot ang soap opera ni Judy Ann Santos na Huwag Ka Lang Mawawala.

“Ayun po, wala po talaga kaming alam. ’Pag nag-start naman po kami ang alam lang po namin ay ang airing. Hindi po talaga namin alam kung ano po ’yung time slot. ’Yung management talaga ang may alam,” giit pa ng teen actress.

Vilma 17 hours nagtrabaho nang umekstra

Sa Miyerkules ay ipalalabas na sa mga sinehan ang pelikulang Ekstra ni Gov. Vilma Santos. Ayon sa aktres, nag­dalawang-isip siyang tanggapin ang nasabing proyekto dahil ito ang kauna-unahan niyang ginawang indie film.

“Hindi ko alam ’yung pakiramdam ko, para akong takot na takot na hindi ko maintindihan. First indie film ko ’tapos ang indie film may limited audience. May nagsasabi sa akin na, ‘Be careful kasi itataya mo ’yung career mo diyan.’ Kaya parang ang gusto ko na lang sana maipalabas na sana, magustuhan at sana nagampanan ko si Loida Malabanan ng tama. So, takot na takot talaga ako sa totoo lang,” pagtatapat ni Vilma.

Mahigit limang dekada na sa industriya ang Star For All Seasons at ayon sa aktres ay ito ang kauna-unahang pagkakataon na gumanap siya bilang isang ekstra sa pelikula. Ibang-iba raw ang karanasan niya sa paggawa ng isang indie film.

“Kinunan lang namin ito ng twelve days at no’ng unang nag-start kami twice a week. Eh sabi ko kina Direk (Jeffrey Jeturian) at attorney (Joji Alonso, producer ng pelikula), ‘Kaya naman pala. Kaya n’yo magtapos eh seventeen hours ’yung trabaho. Grabe, walang pahinga talaga. Since may trabaho ako sa Batangas, nag-request din ako kay Atty. Joji na puwede bang isa na lang? Once a week which is every Saturday pero talagang kayod kami. So, we were able to finish my first indie film in twelve days,” kuwento ng actress-politician.

Ngayong Martes ay gaganapin ang red carpet premiere ng Ekstra sa Megamall Cinema 8, Mandaluyong City. Reports from JAMES C. CANTOS

 

 

ALAM

EKSTRA

HUWAG KA LANG MAWAWALA

JEFFREY JETURIAN

JOJI ALONSO

JUDY ANN SANTOS

JULIA

KATHRYN

KAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with