^

PSN Showbiz

Direktor ng isang malaking movie walang malay, pinalitan na!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

May schedule na ng shooting ang isang pelikula at malaki ang posibilidad na hindi na ang original director nito ang magdirehe ng pelikula dahil hindi nagpapakita si direk sa mga producer. Pati sa scriptwriter, hindi rin nakikipag-usap ang director at umiiyak na ang scriptwriter dahil siya ang kinukulit ng mga producer.

May mga ipinangakong material for the movie ang original director  na hindi nito ma-deliver at ipinagtataka ng mga producer. Ang haba ng oras na ibinigay sa director para kahit man lang teaser ng movie ay maipalabas na sa TV, pero walang maibigay ang director.

May kinausap na ibang director ang producer at in principle, tinanggap nito ang project. Ang pakiusap lang nito sa mga producer, sila ang mag-announce na siya na ang hahawak sa project at gagawin ito ng mga producer one of these days.

Naku, ano kaya ang magiging reaction ng original director ‘pag nalamang out na siya sa big movie project at may nahanap nang kapalit niya. Ano nga kaya ang problema ni direk at hindi masimulan ang pelikula?

Fans nina Julie Anne at Lauren tuloy ang salpukan

Kabilang ang Dormitoryo na pagsasamahan nina Julie Anne San Jose at Lauren Young sa mga bagong shows ng GMA 7 na malapit na ang airing. Pero sa maiksing teaser, pictures lang ng da­la­wa ang ipinakita, wala ang picture ni Elmo Ma­galona na sabi’y kasama rin sa cast.

Kahit sinasabi nina Julie Anne at Lauren na wala silang conflict at magkaibigan sila in real life, hindi pa rin mapipigilan ang kani-kanilang fans na mag-away-away.

Mga pelikula sa Cinemalaya, malabong maipalabas sa mga sinehan

Sa mga pelikulang ipinalabas sa Cinemalaya, ang Ekstra pa lang ni Gov. Vilma Santos ang may commercial run, ‘yung iba, hindi pa sigurado. Ang Star Cinema ang magre-release ng first indie film ni Vilma sa August 14.

Tinanong namin si Atty. Joji Alonso kung magkakaroon ng commercial run ang Babagwa ni direk Jason Paul Laxamana at isa sa nagustuhan ng moviegoers sa Cinemalaya. Parang wala pa siyang plano, pero kung magkakaroon man ng commercial run ang movie sana raw mabigyan ng R-16 ra­tings at hindi R-18 para mas marami ang makapanood.

Naitanong din namin kay director Paul Soria­no, producer ng Transit  kung may chance na maipalabas commercially ang movie ni Jasmine Curtis-Smith na isa sa pinakamaganda sa Cinemalaya at sana mapanood din ng mas marami. Pero sabi nito, ipapasok niya muna sa international film festival ang movie bago ipalabas dito.

Maganda rin sana kung maipalabas sa wider audience ang Purok 7 , Quick Change at ang Sana Dati. Kaya lang kailangan ng producer ng karagdagang budget para mangyari ito.

Abogado ni Claudine trip ang mga Kapuso star

Twitter account ba talaga ni Atty. Ferdinand Topacio ang @FerdieTopacio? Nagulat kami sa nabasang tweet nito na “Lauren Young is sooo cute!!!” Ibig bang sabihin nito, hindi na siya nakyukyutan kay Barbie Forteza na for some time, lagi niyang pinupuri sa Twitter?

Like ni Atty. Topacio ang Kapuso girls mula kay Bea Binena, Barbie Forteza at ngayon ay si Lauren Young.

Anyway, si Atty. Topacio ang legal counsel ni Claudine Barretto at may mga nababasa kaming tweets nito patungkol sa ex ni Raymart Santiago. Ang isa nitong tweet ay “Claudinians please continue to #prayforClaudine your prayers will help a lot during these times.”

May ni-RT o ni-retweet din siyang tweet ni Claudine na @itsmeclaudineb: Thank very much for all your prayers, love and support! Pls. continue to b w/ me and my kids in dis trial. God bless u all. Salamat po.”

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

CINEMALAYA

CLAUDINE

DIRECTOR

JULIE ANNE

LAUREN YOUNG

NITO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with