^

PSN Showbiz

Pagkatapos ng pagka-governor, Vi magiging Presidente na

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Ang suwerte ng mga taga-Batangas dahil mahal sila ni Gov. Vilma Santos-Recto at nagiging emotional pa maisip lang na last term na niya bilang gobernador. Kahit sinasabing mananalo si Gov. Vi ’pag nag-seek ng national position, wala pa siyang plano at tatapusin muna ang mga programa niya para sa constituents.

Sa asawang si Sen. Ralph Recto nanumpa si Gov. Vi at nararapat lang na sa asawa siya mag-oath-taking dahil last term na niya ito. Sabi ng senador, parang nag-renew ng vows si Gov. Vi.

Na-share rin ni Gov. Vi na binibiro siya ni Sen. Ralph na after her term ay magiging president pa rin siya, pero president ng senior citizens. Hahaha! ’Katuwa ang mag-asawa!

Samantala, kinakabahan na si Gov. Vi sa gala premiere ng Ekstra sa July 28 dahil nag-promise si Sen. Ralph na dadalo at manonood. Lalo raw siyang ninerbiyos dahil sa mga puri sa pelikula at sa acting niya. Ginawa niya ang movie for 12 days at tribute niya ito sa mga extra sa movie and TV.

Siyanga pala, pagkatapos sa Cinemalaya Independent Film Festival, magkakaroon ng commercial run ang Ekstra, ang Star Cinema ang magre-release ng movie sa 100 theaters.

Ogie hindi na magre-report sa Bubble gang

Last appearance na ni Ogie Alcasid sa Sunday All Stars kahapon at hindi rin siya magre-report sa taping ng Bubble Gang this Monday habang under negotiation kung magre-renew ba siya ng kontrata sa GMA Network o lilipat sa TV5. Kahapon, June 30, nagtapos ang kontrata nito sa GMA Network.

Kung may pag-uusap na nangyayari between Ogie’s camp and GMA Network, ibig sabihin, hindi pa siya nakakapirma sa TV5. Mali rin ang tsikang tinapatan ng GMA Network ang offer ng TV5. 

Habang bakasyon sa TV, focused si Ogie sa pag­hahanda sa kanyang concert sa Aug.16 sa MOA Arena billed I Write The Songs: The 25th Anniversary Celebration. To be directed by Rowell Santiago, nakita namin ang name ng 23 guests sa concert, kulang ng dalawa para maging 25. 

Hindi nakasama sa poster ng I Write The Songs ang pangalan nina Tom Rodriguez at Den­nis Trillo na kukumpleto sa 25 guests ni Ogie sa kanyang concert. Kinulit lang namin ang manager ni Ogie na si Leo Dominguez kaya nalamang kabilang ang TomDen love team ng My Husband’s Lover sa mga guest.

 Parehong kumakanta sina Dennis at Tom kaya swak sila sa concert.

Teen Gen babu na, nagpapa-audition para sa papalit na programa

  Last airing na ng Teen Gen kahapon. Hindi natapatan ng cast nito ang success ng Tween Hearts na up to this day ay hindi pa rin namin alam kung bakit tinapos gayong mataas ang ratings at marami ang sumusubaybay.

   Nagpapa-audition na ang GMA 7 para sa cast ng ipapalit sa Teen Gen pero wala pang balita kung sino ang magiging main cast ng Sunday youth-oriented show. Wala pa ring balita kung kailan ito magpa-pilot at kung may isasama sa cast ng Teen Gen.                  

ANNIVERSARY CELEBRATION

BUBBLE GANG

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

EKSTRA

I WRITE THE SONGS

LEO DOMINGUEZ

OGIE

TEEN GEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with