Indie film ni Gov. Vi may iyakan
Sa July 28 ang Gala Premiere sa CCP ng Ekstra, ang first indie film ni Batangas Governor Vilma Santos. Sabi ng producer ng movie na si Atty. Joji Alonzo, maghandang matawa at umiyak, kaya best na magdala kayo ng tissue o hanky kung manonood nang nabanggit na pelikula.
Ipinalabas na ang teaser ng movie at marami ang nagkagusto, lalo na siguro ‘pag napanood na ang buong movie.
Isa lang ang Ekstra sa apat na pelikulang produced ni Atty. Joji para sa 2013 Cinemalaya. Pawang magaganda rin ang iba - Instant Mommy ni Eugene Domingo kapareha ang isang Japanese actor. Ang Babagwa ni Alex Medina na sabi ni Atty. Joji, may frontal nudity ang actor.
Si Gretchen Baretto naman ang bida sa Diplomat Hotel at kuwento ni Atty. Joji, noong una’y ayaw nitong tanggapin ang movie dahil ayaw mapuyat, pero dahil maganda ang story at si Chris Ad Castillo ang director, tinanggap din nito ang movie. Humingi lang ito ng cut-off up na 2:00 am., pero minsan ‘di nasunod at ito rin ang may gustong ituloy ang shooting.
Cristine nakigamit sa salamin ni Dennis
May Twitter party gabi-gabi mula nang mag-pilot ang My Husband’s Lover, kaya for 11 days (Monday), trending ang Pink serye o kung anuman ang gusto niyang itawag sa controversial soap ng GMA 7. Lalo pang naging controversial dahil nakarating na sa Malacañang at nag-react na ang Catholic Bishops of the Philippines o CBCP.
Mabuti at walang Twitter at Facebook account ang director ng My Husband’s Lover na si Direk Dominic Zapata, kaya hindi naaaway ng fantards.
Anyway, nag-post ng picture ni Cristine Reyes sa kanyang Instagram account ng picture nila ni direk Dom nang minsang magkita sila at nabanggit nito na si direk Dom ang first director niya sa GMA 7 and up to now, friends pa rin sila.
Ang nakaintriga sa amin ay ang suot na sunglasses ni Cristine sa picture na sabi nito kay direk Dom at hiniram lang niya para sa picture taking. Binanggit ni Cristine na Dries Van Noten ang brand ng sunglasses.
Naalala naming may eksena sa My Husband’s Lover na nakasuot ng Dries Van Noten sunglasses si Dennis Trillo. Curious kami kung sariling gamit ni Dennis ang sunglasses, kung galing sa wardrobe o kay Direk Dom at ipinagamit lang kay Dennis. Kung kay Direk Dom ang sunglasses, ibig sabihin naisuot ni Cristine ang sunglasses na ginamit ni Dennis. Ang cute naman ng koneksiyon ng mag-ex!
Jackie Forster mag-aaktibo uli sa showbiz, umalis na sa PODER ni Annabelle Rama
Gaya ni JC de Vera, hindi na rin si Annabelle Rama ang manager ni Jackie Forster at nagpaalam sa kanya na babalik at magpa-manage kay Alfie Lorenzo. Gusto raw ni Jackie na mag-active sa showbiz nang malamang magso-showbiz ang mga anak na sina Kobe at Andre.
Magbago kaya ang isip ni Jackie na binawi ni Benjie ang pagpayag na mag-showbiz ang mga anak dahil nag-react si Jackie sa interview kina Andre at Kobe sa Startalk?
Mas maayos ang paghihiwalay nina Annabelle at Jackie kesa paghihiwalay nina Annabelle at JC lalo na nang malaman ni Annabelle na ang ina ng aktor na ang manager nito. Ang sentimyento lang ni Annabelle sa paghihiwalay nila ng aktor, nakaaway niya sina Alfie at Wilma Galvante dahil sa kanya, tapos iiwan din pala siya. Kaya ang parting shot niya rito ay “Stars come and go but managers stay.â€
Ruru na-tl kay Marian
Kasama si Ruru Madrid sa cast ng My Lady Boss bilang kapatid ni Marian Rivera, pero hindi na sila pinapunta sa presscon ng movie na showing sa July 3. Sa mall show na lang siya pinasama.
May isyu pa naman sa bagets at ang tsika, nagka-crush siya kay Marian at kahit tapos na ang shooting, text pa rin ito nang text. Sinasagot naman siya ni Marian dahil natutuwa kay Ruru at parang kapatid ang turing nito sa kanya. In fact, sa mall show para i-promote ang movie, may picture silang magkayakap.
Nakausap namin si Ruru sa launching ng Sunday All Stars at may panghihinayang na ibinalitang hindi natuloy ang pagpasok niya sa Anna Karenina dahil sa kanyang schedule. Tatlong indie films ang sunud-sunod nitong ginawa.
- Latest