^

PSN Showbiz

Bella Flores kauna-unahang inilibing sa Hardin ng mga Bituin

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inihatid na sa huling hantungan kahapon ang batikang kontrabida na si Bella Flores sa Hardin ng mga Bituin San Jose del Monte, Bu­la­can.

Ayon sa mga report, ang beteranang aktres ang kauna-unahang artista na inilibing sa Hardin ng mga Bituin.

Namatay siya noong Linggo sa edad na 84.

Hindi mabilang ang mga ginawang pelikula ng ak­tres na siya ang kontrabida kaya talagang tu­ma­tak siya sa maraming manonood ng pelikula at telebisyon.

Nakakalungkot lang na nang mabalitang namatay si Bella Flores, mas maraming nagkainteres tung­kol sa hiwalayan nina AiAi delas Alas at ng asa­­­wa niyang si Jed Salang dahil nagkasabay na lumabas ang balita.

Marian at Sam pinag-aaway dahil sa pagpapa-sexy, wala naman naitutulong sa career

May premyo ba pag nanalo sa FHM Sexiest Women? O may napapala bang prestige? Parang wala naman masyado.

Kasi parang big deal na big deal naman kung sino ang mananalo. Eh bakit si Sam Pinto dalawang beses na bang nadeklarang pinaka-seksing babae sa ginanap na botohan para sa nasabing magazine pero may nangyari ba sa career niya? Nakadagdag ba nang kasikatan?

Kasi up to now, hindi naman siya nagkaroon ng launching movie na matagal na ring nababalita.

Namo-monitor ko lately na mainit ang labanan nila ni Marian Rivera.

Kailangan pa ba ni Marian ang ganitong kara­nga­­lan kung saka-sakali?  Parang hindi na.

Kawawa naman ‘yung mga fans na nag-e-effort dahil ini-encourage nilang bumuto. Ang nakiki­na­bang actually, hindi sina Marian or Sam, ang magazine.

Pareho naman silang sexy at nasa iisa pang channel tapos ginagawan pa ng intriga dahil diyan?

Kadalasang artista ng Kapuso Network ang cover ng FHM.

Suspensiyon ng MTRCB sa dating programa ni Willie kinatigan ng Court of Appeals

Kinatigan pala ng Court of Appeals ang ipinataw na suspensiyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa dating prog­rama ni Willie Revillame na Willing Willie. Ito ‘yung episode na pinasayaw ng TV host ang isang anim na taong gulang na bata na parang isang macho dancer sa dati niyang programa.

Ayon sa report, sa desisyong inilabas ng Second Division ng CA, sinabi ng korte na ang isang buwang suspensiyon ng MTRCB sa programa ay valid dahil sa kabastusan ng segment.

“What is clear is that respondent MTRCB validly and correctly performed its duty as enjoined by law in reviewing and assessing the subject content and thereafter, imposing the proper sanction when the content was found indecent, immoral or obscene.

“A review of the recording of that segment shows a 6-year old boy gyrating like a macho dancer while being cajoled and goaded by the show’s host and the audience...is commonly perceived as transpiring only in night clubs and other shadowy establishments.

“Needless to state, while money has great utility and is beneficial in these times of want, it must ne­ver be used as justification to sacrifice good morals, decency, self respect and the psychological well-being of its citizens especially the young,” ayon pa sa de­sis­yon ng CA.

Ayon pa sa report, napag-desisyonan ng re­view board na ang episode ay “violated a law against immoral and indecent broadcasts that run counter to Filipino values.”

Nang suspendihin ang programa ni Revillame ay pinalitan ito ng Wil Time Big Time na ngayon ay Wowowillie na ang title.

MMDA pumalag sa nobelang Inferno ni Dan Brown

Sumulat pala ang Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino sa sikat na nobelistang si Dan Brown para ipahayag ang kanilang pagkadismaya sa bago nitong libro na may pamagat na Inferno.

Nabanggit daw doon ng isa sa mga character na si Sien­na Brooks - sumali sa humanitarian mission sa May­nila at doon nila nakita ang nakakagulantang na kalaga­yan ng Maynila,

 â€œWe are displeased of how you have used Manila as a venue and source of character’s breakdown and trauma, much more her disillusionment in humanity,” nakalagay sa sulat ng pinuno ng MMDA.

Nabanggit daw sa libro na : “When the group settled in among the throngs in the city of Manila—the most densely populated city on earth—Sienna could only gape in horror. She had never seen poverty on this scale.”

 â€œSix-hour traffic jams, suffocating pollution, and a horrifying sex trade, whose workers consisted primarily of young children, many of whom had been sold to pimps by parents who took solace in knowing that at least their children would be fed.”

 â€œMore than your portrayal of it, Metro Manila is the center of Filipino spirit, faith and hope… Manila citizens are more than capable of exemplifying good character and compassion towards each other, some­thing your novel has failed to acknow­ledge.

  “Truly, our place is an entry to heaven,” paliwa­nag ng bossing ng MMDA sa online report sa bintang na gate of hell ang Maynila.

Teka parang may semblance of truth naman ang sinasabi sa libro. Hindi ba totoo namang sobra ang traffic, grabe ang pollution at kung pagbabasehan ang mga report sa dyaryo, radio, at TV, may sex trade na nangyayari.

Pati nga mga snatcher harap-harapan. Ang da­ming nagkalat na bata sa lansangan at ang da­ming nakatira sa kalsada lang. Bagama’t hindi buong Me­tro Manila pero tingin-tingin tayo sa kapaligiran at makikita natin ang sinasabi ni Dan Brown.

Correction please : Sa pelikulang OTJ at hindi pala Death March kasali sina Gerald Anderson and Rayver Cruz na palabas sa Directors’ Fortnight ng Cannes Film Festival.

AYON

BELLA FLORES

BITUIN SAN JOSE

CANNES FILM FESTIVAL

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

COURT OF APPEALS

DAN BROWN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with