^

PSN Showbiz

Gov. Vi nagsalita na sa planong pagpi-presidente?!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Sinagot ni Gov. Vilma Santos ang isyung may interes siyang maging presidente ng Pilipinas ngayong huling termino na niya bilang governador ng Batangas.

Say ni Gov. Vi, wala siyang ambisyon sa mataas na posisyon.

“Uulitin ko, hindi ko nga alam kung bakit nandito ako bilang public servant. Alam ko Ate Vi ako, artista ako. I guess it was just meant to be.

 â€œI may run again, I may not run. It won’t matter. As long as may nagtitiwala lang sa kaya kong ibigay at alam kong gawin,” sabi niya sa isang TV interview kahapon.

Pero siguro ngayon lang ‘yun. Malay natin baka rin naman magbago ang isip niya at makumbinsing kumandidato sa national position.

Imagine kung kakandidato siyang presidente o bise presidente, showbiz ang magiging labanan dahil matunog ang balitang sasabak din sa mas mataas na posisyon sina Sen. Bong Revilla and Sen. Jinggoy Estrada. Masaya ang magiging bakbakan sa 2016.

Annaliza huhusgahan na

Sisimulan na ang kuwento ng batang buong puso kung magmahal na si Annaliza, na gagampanan ni Andrea Brillantes. Mag-uumpisa itong mapanood sa Mayo 27. Lunes.

Sumikat ang Annaliza noong dekada ’80 na pinagbidahan ni Julie Vega.

Ito ang magsisilbing launching ng child actress na si Andrea na unang napanood bilang Princess sa E-Boy, batang Jessy Mendiola sa Sabel at Paraiso, batang Kim Chiu sa Ina, Kapatid, Anak, at batang Andi Eigenmann sa Kahit Puso’y Masugatan.

Masusubukan din ng Annaliza ang unang pagganap ni Zanjoe Marudo bilang isang ama pati na rin ang pagbabalik sa serye ng ’90s teen superstars na sina Patrick Garcia at Carlo Aquino na napansin kamakailan ng publiko sa cameo appearances nila sa Apoy sa Dagat at Dugong Buhay.

Patok na patok noon ang Annaliza na kuwento tungkol sa isang batang likas na busilak ang kalooban na lalaki sa piling ng ama-amahang si Guido (Zanjoe)

Sanggol pa lang si Annaliza nang kunin siya mula sa tunay niyang mga magulang — ang mayamang restopreneurs na sina Lazaro (Patrick) at Isabel (Denise Laurel). Pinadukot siya nang naghihiganting dating kasintahan ni Lazaro na si Stella (Kaye Abad) sa manliligaw nitong si Makoy (Carlo).

Para hindi mahuli ay agad na idinispatsa ni Makoy si Anna Liza at iniwan ito sa pangangalaga ng matalik na kaibigan na si Guido na nagtatrabaho bilang isang kargador sa pantalan. Sa kabila ng payak na pamumuhay, tinanggap ng binata si Anna Liza ng buong puso at trinato na parang tunay niyang anak.

Magsisimula ang kalbaryo ni Annaliza nang pinakasalan ni Guido si Stella at tumulak papuntang Saudi para mabigyan sila ng mas magandang buhay. Matinding pagmamalupit ang pagdaraanan niya sa ina-inahan. Ngunit tila magbubunga ang pagiging busilak ng kanyang puso dahil paglalapitin ng tadhana si Annaliza  kina Isabel at Lazaro.

Paano malalaman ni Annaliza ang kanyang tunay na pagkatao? Paano siya magdurusa sa kamay ni Stella? Sa bandang huli, sino ang kanyang pipiliin?

Ang Annaliza ay sa ilalim ng direksiyon ni Theodore Boborol at Cathy Camarillo.

Snatcher nakapang-agaw nang mag-red light

Grabe ang mga snatcher sa Maynila na sana’y maglaho pag-upo nina Manila Mayor elect Joseph Estrada and Vice Mayor Isko Moreno. Imagine kahit tumatawid lang, nagagawa nilang mang-agaw ng hikaw.

Naka-red light lang sa Espana Ave. at  may tumatawid lang na dalawang babae nang biglang akbayan ng isang lalaki na medyo bagets sabay hablot sa hikaw na suot ng babae.

Ganun ha. Sa gitna ng kalsada. Gulat na gulat ang babaeng inagawan ng hikaw na walang kamalay-malay na iniispatan na pala ang suot niyang hikaw.

Hay ganun na talaga kalala ang mga masasamang loob. Trabaho ang kailangan nila. Siyempre wala silang ibang maisip na pagkakakitaan kaya naman naiisip nilang gumawa ng masama.

Zan Joe mas magaling na bading

Mas magaling na bakla si Zanjoe Ma­rudo sa solo movie niyang Bromance.

Parang mas effective siyang maging bading kesa maging ser­yosong aktor.

Nakakaaliw ang pelikula niya at wala na­mang pagpapanggap ang kuwento na dinirek ni Wenn Deramas.

Napatunayan ni Zanjoe na may ibubuga rin naman siya sa akti­ngan kaya naman pinipilahan ang kanyang pelikula na nagsimulang ipalabas sa mga sinehan last Wednesday.

Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang Bromance.

 

ANDI EIGENMANN

ANDREA BRILLANTES

ANG ANNALIZA

ANNA LIZA

ANNALIZA

ATE VI

BONG REVILLA AND SEN

GUIDO

LAZARO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with