Aktres na naging kontrobersiyal, nagbebenta ng mga bag na mahigit kalahating milyon ang isa
MANILA, Philippines - Nagbebenta ngayon ng kanyang mga signature bag ang isang aktres na naging controversial kamakailan.
Pero hindi siya ang direktang nagbebenta. Nag-komisyon siya ng isang kaibigan na magbebenta nito online.
In fairness sa aktres, magaganda ang mga bag na binibenta niya na halos umaabot sa mahigit kalahating milyong piso ang isa. At surprisingly, ang bilis mabenta.
Meron din namang mga item na medyo mura, mga P100K lang na katulad ng mga mamahalin ay mabentang-mabenta rin.
Wala raw kasing masyadong ginagawa ang aktres ngayon kaya siÂguro naisipang bawasan ang kanyang mga nakolek na mga mamahaÂling bag ’pag nag-a-abroad siya kasama ang asawang galante sa kanyang luho.
Nora at Sarah tumanggap ng ani ng dangal!
Kasama pala sina Sarah Geronimo at Nora Aunor sa pinarangalan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) para sa kanilang Ani ng Dangal award na ginanap sa Tanghalang Aurelio Tolentino ng Cultural Center of the Philippines (CCP) noong nakaraang Biyernes.
Ang nasabing parangal ay may kaugnayan sa taunang Philippine Arts Festival (PAF).
Ayon sa report ng ABS-CBN.com, kasama pa sa mga pinarangalan sina Brillante Mendoza para sa pelikulang Thy Womb; Marlon Rivera, Ang Babae sa Septic Tank; Marty Syjuco ng Give Up Tomorrow.
Ayon pa sa report, nanalo si Nora Aunor para sa Thy Womb.
Si Sarah naman ay pinarangalan para sa Multi-Disciplinary Arts pagkatapos manalo sa Best Asian Artist from the Philippines ng 2012 Mnet Asian Music.
Heto ang talaan ng mga nanalo:
Architecture and Allied Arts
Aidea Philippines, Inc., Kenneth Cobonpue, Cabaret Sofa
Cinema
Adrian Sibal, The Rivals;
 Auraeus Solito, Busong;
 Brillante Mendoza, Thy Womb;
 Charles Andrew Flamiano, Letting Go, Letting God;
 Christopher Gozum, Anacbuana,
 Eduardo Roy, Jr., Bahay Bata;
 John Paul Su, Pagpag;
 Lav Diaz, Florentina Hubaldo, CTE
; Lawrence Fajardo, Posas;
 Marlon Rivera, Ang Babae sa Septic Tank; 
Brandon Relucio at Ivan Zaldarriaga, Di Ingon Nato; 
Marty Syjuco, Give Up Tomorrow;
 Nora Aunor, Thy Womb;
 Shamaine Buencamino, Niño; 
Will Fredo, The Caregiver
Dance
Candice Adea,
 Halili Cruz Dance Company; 
Irina Feleo (Bayanihan, The National Folk Dance Company of the Philippines);
 Peter Laurent Callangan (Bayanihan, The National Folk Dance Company of the Philippines),
The Crew


Dramatic Arts
Peter de Guzman, The Romance of Magno Rubio
Literary Arts
Romulo Baquiran, Jr.
Multi-Disciplinary Arts
BBDO Guerrero, Pepsi/MyShelter Foundation’s Bottle Light project;
 Kara David, i-Witness Alkansya, GMA News TV;
 Sarah Geronimo, Viva Entertainment, ABS-CBN Corporation;
 Wansapanataym, The Chalk Boy, ABS-CBN Corporation
Music
Arwin Tan 
Baao, Children Chorus;
 Edgardo “Ed†Lumbera, Mangui at 
Imusicapella
 Joseleo Ciballos Logdat,
 Miriam College High School Glee Club;
 Muntinlupa Science High School Chorale
 Novo Concertante; Manila Choir
 Samiweng Singers, Ilocos Norte National High School (INNHS);
 University of the Philippines Singing Ambassadors,
 UP Concert Chorus
Visual Arts
Jamille Bianca, Aguilar 
Joel C. Forte,
 Zohayma Montañer,
 Trisha Co Reyes, 
Engr. Jaime Sumugat Singlador,
 George Tapan,
 Jamia Mei Tolentino, Jophel Ybiosa
Aktres nahihirapang hanapan ng stylist dahil sa katsubaan
Dahil sa hindi mapigilang paglaki ng katawan, nahihirapan na ang tumutulong sa career ng actress-TV host na hanapan siya ng stylist.
Parang bigla raw kasi ang paglaki ng aktres kahit sinasabi niyang nagda-diet siya.
At hindi na nga naman ito maitago sa kanyang mga programa. Kahit saang anggulo siya tingnan, iisa ang sinasabi nila, ang tsuba na ni aktres.
Maganda ang mukha ni aktres at talagang bibilib sa galing niya pero, ayun nga, hindi siya tinatalaban ng kanyang diet.
- Latest