Nora at Vilma maaabutan na Angel at Angelica mahigpit nang kalaban sa aktingan
Sa mga napanood kong pelikula ng nakaraang taon, I was expecting na magiging mahigpit na magtutunggali ang hanggang ngayon ay mortal na magkaribal pa rin na sina Nora Aunor at Vilma Santos na parehong naging abala sa paggawa ng pelikula sa 2012. Itinampok ang masipag na gobernaÂdora ng Batangas sa kanyang minsan sa isang taon na pagtigil pansamanÂtala bilang isang pulitiko para guÂmaÂwa ng isang horror/suspense thriller sa Star CineÂma na dinirek ni Chito Roño. Ito ang The HeaÂling na talagang muling nagpamalas sa galing bilang aktres ng gobernadora.
Hindi naman nagpatalo ang balikbayan actress na si Nora na naging abala sa pagtatapos ng taon. Dalawang pelikula ang ginawa nito, ang El PreÂsiÂdenÂÂte na katambal ang isa ring gobernador na si ER Ejercito, at ang ikalawa ay ang indie film na Sa ’Yong Sinapupunan (Thy Womb) ni Brillante MenÂdoza tungkol sa isang komadrona na kasabay ng pagpapaanak sa maraming bata ay ginuÂgugol ang kanyang panahon sa paghabi ng baÂnig at pagÂhahanap ng mapapangasawa ng kanyang asawa na hindi niya mabigyan ng anak.
Napakagandang istorya pero sa kaabalahan ng direktor na maipakita ang isang kakaibang istorya at kultura ng mga tribong menoridad sa Mindanao ay nakalimutan niyang magaling na artista ang kanyang bida at kayang-kaya nito na mas mapaganda pa ang kanyang obra. Sayang, sayang talaga si Nora sa pelikula. Mabuti pa si Vilma na nabigyan ng atensiyon ni Roño.
Kung nakalimutan ni MendoÂza si Nora, gamit na gamit naman ni Ruel Santos Bayani ang kaÂgaÂliÂngan nina Angel Locsin at AngeÂlica PaÂÂÂnganiban sa napakakontrobersiyal niyang pelikulang One More Try. Para talagang naglaban ang daÂlawa sa pagaÂlingan sa pag-arte. Si Angel nakakaawa sa kanyang panghihiram ng asawa. Si Angelica sa kanyang pagbibigay sa kahilingan nito kahit kitang-kita mo na napipilitan lamang siya. Napakaganda ng naging komprontasyon nila. Totoong-totoo. Dun ba nagsimula ang kagalitan nila?
Pero si Gina Alajar na talaga namang matapos ang matagal na panahon na pagpipigil at panggigigil na magpakita ng kanyang talento sa pag-arte, ayun at nakakawala rin sa indie film na Mater Dolorosa. Mula umpisa hanggang katapusan ay nagawang mamintina ng magaling ding direktora ang kanyang giÂnaÂÂgamÂpanang karakter. Walang saglit na nawala siya sa kanyang characterization.
Kaya huwag kayong magtataka kung hindi masentro kina Guy at Vi ang labanan para sa best actress sa taong ito. Sa ginawa nilang pagpapabaya sa kanilang pag-aartista, hindi nila namalayan na may mga nakalusot na pala na magbibigay sa kanila ng magandang laban kung hindi man sakit ng ulo sa pagdating ng awards season.
- Latest