^

PSN Showbiz

Dingdong nagalit nang pagpistahan ng kalalakihan ang katawan ni Marian

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Totoo kaya na hindi nagustuhan ni Dingdong Dantes ang ginawang pagpapa-sexy ni Marian Rivera sa isang men’s magazine? At kahit i-deny ito ng prinsesa ng Kapuso Network, lumalabas ang pagiging seloso ng kanyang boyfriend na kahit gaano man kaganda lumabas ang pictorial ni Marian ay ayaw marahil niya itong i-share sa maraming lalaki na hindi napipigilang mag-ilusyon sa kaseksihang ipinamalas ng kanyang girlfriend.

Bong milya-milya ang ibinata!

Ewan ko sa iba pero ako ay talagang nanghihinayang sa kapupuntahan ng karera ng Fil-Swiss na si Sarah Lahbati. Matapos niyang iwan ang kanyang trabaho para mag-relax sa Switzerland, at saka naman naglabasan ang mga magaganda niyang proyekto na kanyang iniwan. Tulad nang pagbibida sa isang pelikula ng Regal Entertainment, Inc. katambal ang kanyang boyfriend na si Richard Gutierrez.

Siguradong panonoorin ito dahil sexy ang pelikula na nagtatampok ng mga intimate scene nila ni Richard at baring of the flesh nila ni Solenn Heussaff. Magugustuhan ito ng mga manonood kasi matagal na silang hindi nakakapanood ng mga pelikulang sexy lalo’t from young stars na hindi known sa paggawa ng mga ganitong mga eksena, tulad niya. Malaki sana ang maitutulong nito para maitulak ng mas mataas pa ang level ng kanyang posisyon bilang artista.

Sa Indio na lamang, ang bagong epic serye ng GMA 7 na magsisimulang mapanood sa Jan. 14 at tinatampukan ni Sen. Bong Revilla, Jr. ay isang mahalagang role ang ginagampanan niya. Siya ang diwatang si Ynaguiguilid na nakikipaglaban sa mga dayuhang gustong sumakop sa bansa. Ipinaglalaban din niya ang karapataan ng kanyang anak na lalaki na mabuhay at ipagpatuloy ang pamumuno sa mga diwata. Bago siya namatay ay maisasalin niya ang lahat niyang kapangyarihan sa kanyang anak na lalaking si Indio.

Namatay man ang kanyang character, matagal mananatili sa alaala ng ma­nonood ang kanyang kagandahan (yes, ang ganda-ganda niya sa serye), ang husay ng kanyang pagganap at ang kahalagahan ng role na ipinagkaloob sa kanya ng network.

Bukod kay Sarah, maganda na naman ang role na napunta kay Rhian Ramos na matagumpay na naire-revive ng kanyang network ang career. Matapos ang maganda niyang performance at role sa Sosy Problems, siya ang diwatang si Dian Magayon na nakasaksi sa pagkamatay ni Ynaguiguilid at nakakaalam kung sino ang nakakuha kay Indio.

Sa press screening ng nasabing serye, umani ng palakpak ang sanggol na gumanap na Indio dahil hindi ito ang karaniwang sanggol na napapanood natin sa maraming pelikula at serye sa telebisyon. Nakitaan ito ng mga emosyon tulad ng kagalakan, kalungkutan, at nagko-close open pa ng mata. Nagkakaisa ang lahat na hindi lamang ito kasali sa pelikula, umaakting pa rin ang baby.

Hanggang sa kanyang paglaki ay magaling ang kabataang gumanap ng Indio (Vincent Magbanua nung bata at Alden Richards nung nagbibinata na). Hindi rin naman nagpahuli si Bong Revilla nang maging ganap na binata na siya. Nagawa siyang pabatain ng milya-milya ng kung sino mang make-up artist na na-assign sa kanya. At kahit marami ang mga artistang ipinalibot sa kanya, hindi nila nagawang agawin ang limelight sa kanya. Bong stands out as Indio.

Si Jennylyn Mercado ang leading lady ni Bong. Kasama rin sina Jackielou Blanco, Ramon Christopher, at Michael de Mesa. Gumaganap na mga diwata sina Sam Pinto, Rachelle Ann Go, Ehra Madrigal, Ellen Adarna, Paolo Paraiso, Will De­vaughn, Steven Silva, Kyle Jimenez, at Solenn Heussaff. Mga indio naman sina Jomari Yllana, Agot Isidro, Ronnie Lazaro, Sheena Halili, Daria Ramirez, Dante Rivero, Melissa Mendez, Vaness del Moral, Pekto, John Feir, Marco Alcaraz, at Robert Arevalo.

May special role sina Maxene Magalona, Bea Bi­nene, Jillian Ward, Luis Alandy, Bobby Andrews, Chinggay Alonzo, Lucho Ayala, Carlos Morales, Princess Snell, Winwyn Marquez, Jon Achaval, at Mark Gil.

Si Dondon Santos ang director ng serye.

Morato may bagong party place

May isang bagong tambayan na nagbukas sa Morato sa Quezon City. Ito ang GEB Super Club, isang bagong party place na magbibigay ng ultimate experience sa lahat ng pupunta rito. Nag-buena ma­no rito ang ilang mga miyembro ng Philippine Movie Press Club (PMPC) at bukod sa nakapag-usap-usap sila ay nagawa rin nilang isabay ang kanilang pagsasayaw.

Hindi kalakihan ang lugar, tamang-tama lamang to have fun with trends and meet new people. Try n’yo, tuwing Wednesday Ladies Night; Models Night naman every Thursday; Thank God It’s GEB every Friday. Bukas ito Miyerkules hanggang Sabado. Nagbukas ito nung Nov. 30, 2012 at magkakaroon ng Unleashed party sa Jan. 25.

Magkapatid masusubok sa cerebral palsy

Matapos ang kanyang kontrobersiyal at top-ra­ting Maalaala Mo Kaya (MMK) episode na Manika noong 2012 na tungkol sa isang batang ginahasa sa harap ng kanyang ina, magbabalik-MMK ngayong 2013 ang Kapamilya teen star na si Jane Oineza sa isa na namang challenging role.

Sa episode ngayong gabi, bibigyang buhay ni Jane and karakter ni April, isang dalagitang may sakit na cerebral palsy na pilit namumuhay ng normal sa tulong ng kanyang pamilya, lalung-lalo na ng nakababata niyang kapatid na si Dhayveed (Kyle Balili). Naging sandalan ni April ang kapatid hanggang sila ay mag-aral.

Si Nuel Crisostomo Naval na may likha rin ng Manika episode ang director.

 

vuukle comment

BONG REVILLA

INDIO

KANYANG

MATAPOS

SOLENN HEUSSAFF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with