^

PSN Showbiz

Robin pinapak nang husto si Kris

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

May sakit si Kris Aquino nang ipa-interview para sa promo ng ABS-CBN soap na Kailangan Ko’y Ikaw pero kahit inuubo, tuloy ang kuwento sa ba­kas­yon sa Las Vegas, Nevada at ang soap nila nina Anne Curtis at Robin Padilla na pilot sa Jan. 21.

Sabi ni Kris, sila ni Anne ang nakaisip na si Robin ang maging leading man nila dahil kung babae pareho ang supporters nila, si Robin ang magdadala ng men’s viewership at ka-macho-han sa soap. 

Maraming kissing scenes sina Kris at Robin at sabi ng una, kung totoong nagpapakain ang aktor tuwing may kissing scene sila, siguradong marami itong mapapakain pa. Ngayon nila nare-realize ang advantage ng walang partner at ang selos ng dalawang anak lang ang pino-problema.

Sa tanong kung hindi ba siya nagreklamo sa love scene nila ni Robin, sagot ni Kris: “I hope ’di masamain ni Robin because more than him, ginawa ko ’yun because of Direk Joyce (Bernal). I feel safe with her at alam ko namang pang TV ito, maraming mapuputol na eksena. Mas maganda i-give ko na lahat, siya na ang bahala.”

Hindi pa rin nababago ang desisyon ni Kris na last na ang Sisterakas movie sa pagsali niya sa filmfest dahil napatunayan na achieved na niya ang gusto at gustong bigyan ng chance ang iba.

Tuloy pa rin naman ang paggawa niya ng pelikula at next movie niya ay pagsasamahan nila ni Eugene Domingo. Wala pang script si Chris Martinez at wala pa ring title ang movie to be directed by Bb. Joyce Bernal.

Gusto rin ni Kris na gumawa ng pelikula kasama si Dawn Zulueta.

Vaness tuwang-tuwa kahit katulong lang ang role

Ang bilang ni Vaness del Moral, 25 ang bumubuo ng cast ng Indio pero hindi rin niya nasagot kung nasaan ang mga kasama dahil biglang nag-alisan, wala tuloy masyadong na-interview ang press.

Anyway, tuwang-tuwa si Vaness na makasama sa cast ng epic serye ng GMA 7 na airing na sa Monday. Siya si Elena, katulong sa bahay ni Juancho Sanreal (Michael de Mesa) at magiging best friend ni Esperanza (Jennylyn Mercado) at maraming alam na sikreto sa loob ng bahay na pinagsisilbihan.

Glaiza hindi kinakausap si Dennis off cam

Napadaan ang isang reporter sa taping ng Temptation of Wife at dahil kumpleto ang four main cast, ang una naming tanong ay kung magkatabi at nag-uusap ba sina Dennis Trillo at Glaiza de Castro, gumaganap sa role nina Marcel at Heidi, respectively?

Natsitsismis kasi na nagkaka-develop-an na ang dalawa mula nang magkasama sa TOW at after sa napakaraming kissing scenes at love scenes. Itinanggi na ito ng dalawa, trabaho lang daw ang ginagawa nila at kung ano ang nasa script.

Pero sabi ng reporter, hindi magkatabi at hindi man lang nag-uusap off-cam sina Dennis at Glaiza. Tama ang nabanggit minsan ng aktor na off-cam ay may sariling mundo ang aktres at hindi nakikipag-usap sa kanila.

Baka ang pagkakaroon ng sariling mundo at hindi pakikipag-usap sa kanila ang appeal ni Glaiza kay Dennis? Hindi kaya?

Anyway, isa na sa pinakasikat na love triangle sa TV ang triangle nina Marian, Galiza, at Dennis. Isa ito sa mga rason kung bakit interesting at mas dumarami ang nanonood ng Temptation of Wife.

 

vuukle comment

ANNE CURTIS

CHRIS MARTINEZ

DAWN ZULUETA

DENNIS TRILLO

DIREK JOYCE

GLAIZA

TEMPTATION OF WIFE

VANESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with