^

PSN Showbiz

Jay Manalo tsugi sa Faces of 5, nag-walk out!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

May eksena palang nangyari sa Christmas Party ng TV5 para sa press last Wednesday. Nag-walkout si Jay Manalo dahil feeling nabastos at sumama ang loob na wala siya sa Faces of 5 AVO o Audio Visual Presentation ng Kapatid talents na paulit-ulit ipinalabas sa party. Obviously, nag-shoot ang actor, kaya alam na kasama siya sa ID, kaya ganun na lang ang pagka-dismaya sa napanood na wala siya.

Kaya pala hindi na nakita ng press ang aktor after ilang minutes dahil nag-walkout na ito. Maaga pa naman itong dumating sa party, excited na makipag-tsikahan sa friends niya sa press at balak pa nitong magpa-raffle.

Pero dahil feeling hindi siya binig­yan ng importansiya, umalis na lang. Hindi nga lang nito naitago ang sama ng loob dahil nang tinanong ng press kung bakit siya umalis agad, sinabi ang totoong rason.

Anyway, balik-sexy movie si Jay sa The Seduction ng Regal Entertainment, bilang kaibigan at bad influence ng karakter ni Richard Gutierrez. Model of corruption ang description ni direk Peque Gallaga sa kanyang role. Fireman din siya rito, wala siyang bold scene sa movie na showing sa January 30, 2013.

Jillian Ward kasama na sa trailer at poster ng Agimat

Nakatulong ang pag-iingay ng press na wala si Jillian Ward sa trailer ng Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako. Wala rin itong picture sa tarpaulin at baka pati sa poster nang nabanggit na pelikula at kahit ‘di magreklamo ang bagets at ang kampo nito, naawa ang press, kaya nag-ingay.

Hindi pala nagbibiro si Vic Sotto sa sinabing ipalalagay niya ang picture ni Jillian sa tarpaulin dahil ang balita namin, magpapagawa si Andeng Bautista-Yῆares ng bagong tarpaulin na kasama ang picture ng child actress. Hindi raw natuwa si Andeng sa inirason sa kanya na kaya walang picture ni Jillians sa tarpaulin dahil maikli lang ang role nito dahil hindi nakapag-shooting at hindi available.

Nalaman din namin na sa bagong trailer ng movie, magkakasama na ang eksena ni Jillian.

Isa pang magandang balita kay Jillian, sa January 2013, siya naman ang paparada sa GMA 7 dahil may bago siyang soap entitled Tatlong Ina, Isang Anak. Tila pag-aagawan siya ng tatlong ina, ibig sabihin drama ito. Bukod pa ito sa guesting niya sa Indio, kasama ng favorite niyang si Sen. Bong Revilla.

Jake sigurado na ang kita sa dalawang taon

Parang totoong pamilya ang cast ng Pepito Ma­naloto dahil parang pamilya ang turingan nila sa isa’t isa. ‘Katuwa pa dahil nang dumalaw kami sa set, isa-isang winelcome ng cast ang press na para talagang bisita ng mga Manaloto.

Malaking tulong din na “welcoming” ang ambience sa bahay na ginagamit kunwari ng mga Manaloto. Walang mga ipinagbabawal unlike sa ibang bahay na ginagamit na parang ‘di ka libreng kumilos. Nagagamit ng cast ang dining room at doon sila salu-salong kumain.

Happy si Jake Vargas na ibinalik ng GMA 7 ang Pepito Manaloto at wish nitong magka-totoo ang naririnig niyang aabot ng two years ang airing nito. Malaking tulong ang tf niya rito para mapag-aral ang dalawang kapatid sa high school.

TGIS ayaw nang sariwain sa teen gen

Bilang director ng T.G.I.S. noon at director ng Teen Gen ngayon, tinanong si direk Mark Reyes kung bakit kinailangang palitan ang title ng youth-oriented show ng GMA 7 na magsisimula na sa December 16, after Party Pilipinas? Hindi ba siya naniniwalang mas maraming mahahatak na viewers ang show kung T.G.I.S. pa rin ang ginamit na title?

“Although the same show ito, ayaw naming mag-look back, but move forward. Nakilala ang T.G.I.S. dahil kina Peachy (Ange­lu de Leon) at Wakcs (Bobby Andrews). We have a new character sa Teen Gen, and I’m sure, magugustuhan din sila ng viewers,” kampanteng sagot ni direk Mark.

Gaya nang ipinangako, hindi sumama si Cong. Lani Marcado sa presscon ng Teen Gen para hindi kantyawan ng press na stage mother kay Gianna Revilla. Hindi rin sinamahan ni Sandy Andolong si Gab de Leon, pero sabi ni Lolit Solis, stage mother din dahil pati isusuot ng anak, pinoproblema. Mabuti rin at hindi isinama ni Gab ang kanyang non-showbiz GF sa presscon.

Si Mikoy Morales ng Protégé 2 ang gumawa ng theme song ng Teen Gen  na Everything Is Alright  na kinanta ni Julie Anne San Jose.

ANDENG BAUTISTA-Y

AUDIO VISUAL PRESENTATION

BOBBY ANDREWS

DAHIL

JILLIAN

JILLIAN WARD

PRESS

SIYA

TEEN GEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with