^

PSN Showbiz

Dalawang primetime soaps ilulunsad agad Wilma Galvante babaguhin lahat ng programa ng TV5!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Hindi na raw natuloy ang pagre-resign ni Perci Intalan bilang Creative & Entertainment head ng TV5 dahil ’di pinayagan. Nag-usap na raw sila ni Wilma Galvante na parang gustong palabasin na kaya magre-resign si Perci ay dahil pumasok na ang lady executive sa network at hindi na bilang consultant.

Pamumunuan daw ni Ms. Wilma ang En­tertainment department ng TV5 na si Per­ci ang head ngayon. Balitang may mga taong papasok at may mga aalis. Hintayin na lang natin ang big revamp.

Sasabay na rin daw ang TV5 sa ABS-CBN at GMA 7 sa paggawa ng soap dahil two new primetime soaps ang ilo-launch next year. Kaya may tsismis na ililipat sa noontime ang Wiltime Big Time dahil sa two new soaps.

John Lapus balik-ABS-CBN, GMA 7 wala nang maibigay na trabaho

 Thankful si John “Sweet” Lapus na napasama sa Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako dahil dumating ang offer nang depressed siya dahil jobless. Na-lift ang spirit at na-feel na importante siya sa mga producer ng movie nang i-meeting ni Direk Tony Reyes sa Taste of LA resto para sabihin at hi­ngin ang reaction niya sa role ni Che, ang bading na kagrupo ni Angelina Kalinisan Orteza (Judy Ann Santos).

Tuwang-tuwa si John sa role niyang si Che na isang kapre na nagiging Incredible Hulk ’pag nagaga­lit kaya lang pink ang kulay niya at bading ang lingo. Happy siya na mapasama sa pelikula na may pina­ka­bonggang special effects na kasama siya.

Nakatrabaho na ni John si Sen. Bong Revilla, Jr. pero first time niyang makasama si Vic Sotto at na-starstruck siya. Mabait at maalaga raw si Bo­s­sing. Tinatanong siya kung kumain na o kung ayos ang lodging sa Ilocos.

Samantala, naintriga ang followers ni Sweet sa Twitter sa tweet na mami-miss niya si Marian Rive­ra dahil ibig sabihin aalis na talaga siya sa GMA 7. Pati kay Richard Gutierrez nagpaalam na siya dahil baka bumalik sa ABS-CBN at tatanggapin niya ’pag may offer. Kailangan niya ng trabaho kasi may bahay siyang hinuhulugan.

Sa ngayon, sa Talentadong Pinoy Worldwide ng TV5 siya napapanood at touched ito dahil kahit walang kontrata, isinama siya sa Christmas Station ID.

 “Wala akong sama ng loob sa GMA. Six years ako sa kanila at malaki ang naitulong nila sa akin. Wala lang silang maibigay na project sa akin ngayon at naintindihan ko. Naintindihan din nila na I have to work dahil may mga obligasyon ako. Malay na­tin in the future, mag­karoon uli ako ng show sa ka­nila. Nalungkot lang ako dahil nang lumipat ako sa Channel 7, akala ko sa kanila na ako tatanda. Nakikita ko ang pag-aalaga nila kay Kuya Germs (German Mo­reno) and how I wish na ganun din ako pero wala pa silang maibigay na project. Kaya sa iba muna ako magta­trabaho,” paliwanag ng gay comedian.

Rafael inasikaso ang pamilya sa Norway

Ngayong Monday ang balik ni Rafael Rosell from Norway kung saan nagbakasyon siya ng ilang araw. Nov. 17 siya umalis para dalawin ang mga ma­­gulang at pamilya at may inaasikaso pang importante.

Bago umalis, ratsada si Rafael sa taping ng Temp­tation of Wife, kaya hindi nasira ang takbo ng istorya at tuluy-tuloy siyang napapanood. Happy ang aktor sa positive feedback sa acting niya sa Ko­rean drama adaptation at nangakong mas pagbubutihin pa ang trabaho.

Max poised kahit ninenerbiyos na

Ang ganda-ganda ni Max Collins sa presscon ng Pahiram ng Sandali suot ang damit na gawa ni Francis Libiran. Poised ang dalaga habang ini-interview at hindi alam ng press na ninenerbiyos na dahil ka-share sa spotlight ang mga magagaling na artista gaya nina Christopher de Leon, Mark Gil, at Lorna Tolentino. 

Sixteen weeks tatakbo ang Pahiram ng Sandali. Mahaba ang panahon para ipakita ni Max ang talent na nakita ni Direk Maryo J. delos Reyes sa workshop para piliin siya sa role ni Cyndi. Ano ang reaction niya sa malaking tiwala ng batikang direktor?

“Nagulat ako dahil I never worked with him pa, first time ito at thankful ako na pinagkatiwalaan niya ako sa role ni Cyndi. Once in a lifetime ito at dream ko, kaya pagbubutihan ko talaga. Ayokong sayangin ang chance na ibinigay sa akin,” sagot ni Max.

 

AKO

ANGELINA KALINISAN ORTEZA

BONG REVILLA

CHRISTMAS STATION

CYNDI

DAHIL

DIREK MARYO J

NIYA

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with