Mikee Romero palalawakin ang sports program
MANILA, Philippines – Kumpara sa ibang pulitiko, ibahin natin si businessman/sportsman Mikee Romeo ng partylist na 1-Pacman.
Sinabi ni Romeo na kung mananalo siya bilang partylist congressman ay imbes na kunin ang kanyang buwanang suweldo ay ibibigay niya ito sa mga pampublikong hospital katulad ng Philippine General Hospital, Philippine Heart Center, National Kidney Center at iba pa.
Hindi lamang ito ang tiniyak ng 44-anyos na si Romeo na kanyang gagawin sakaling mailuklok sa Kongreso sa darating na National Elections sa Mayo
Siniguro ni Romeo, ang Chief Executive Officer (CEO) ng Globalport 900, Inc. at Vice-Chairman ng AirAsia Philippines, na ang bawat pondong kanyang makukuha ay ididirekta niya sa edukasyon, sa pagpapalaganap ng sports at paglikha ng trabaho para sa mga mahihirap.
Isinusulong ng 1-Pacman partylist, sinusuportahan ni boxing superstar Manny Pacquiao, ang pagpapalaganap at pagpapalakas sa sports, edukasyon at trabaho.
Naniniwala si Romero at ang 1-Pacman partylist ang solusyon sa pagpuksa sa illegal drugs ay ang prevention o pag-iwas dito.
Tutulungan din ni Romero ang puspusang pagsasanay ng ating mga national athletes para sa paglahok sa Southeast Asian Games, Asian Games, Olympic Games at iba pang international sports events.
Sinabi pa ni Romeo, may Masters Degree sa Business Management mula sa Asian Institute of Management, na dapat ding bigyang prayoridad ng PSC ang pagsasanay sa ating mga atletang malaki ang ating potensyal na manalo ng gintong medalya.
Ilan sa mga ito ay boksing, billiard, track and field, wushu, golf, baseball at swimming.
- Latest