^

PSN Palaro

Mikee Romero, bilyonaryong sportsman kinuha ng 1-Pacman

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maaaring may ilang hindi nakakaalam na ang bilyonaryong si Mikee Romero, may-ari ng Globalport Batang Pier sa PBA, ay dating player ng La Salle Green Archers noong nag-aaral pa siya ng business administration.

Si Romero lamang ang billionaire sportsman na nakapabigay ng maraming medalya para sa Pilipinas sa mga international competitions.

Ang kanyang AirAsia ay naging major sponsor naman sa Asean Basketball League (ABL).

Bunga ng matinding pagmamahal ni Romero sa sports ay kinuha siyang No. 1 nominee ng 1-Pacman party list dahil ang advocacy nito ay naaayon sa mga katangiang taglay niya.

Nakatuon ang kanyang paglilingkod sa bayan sa pamamagitan ng sports, edukasyon at trabaho.

Sa kasalukuyan ay mahigit sa 5,000 kabataan ang scholars ni Romero.

Kasama siya sa grupong nagpatayo ng libong libreng bahay para sa mga Aeta sa Zambales at mga katutubo sa Subanan, Zamboanga del Sur.

Higit sa 100,000 naman ang nakinabang sa mga nabigyan ni Mikee ng trabaho.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with