^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Basura n’yo huwag itapon sa sementeryo

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Basura n’yo huwag itapon sa sementeryo

DAGSA ngayon ang mga tao sa sementeryo. Marami silang bitbit na pagkain, inumin at iba pang bagay. At ang masakit, iiwanan nila ang basura sa sementeryo. Ito ay sa kabila na nagpapaalala ang mga awtoridad na huwag iiwanan ang basura. Ta­ngayin ang basura pag-alis. Pero walang nakikinig sa pakiusap na ito. Makikita na naman ang kawalan ng disiplina ng mga Pilipino sa pagtatapon ng kanilang basura. Pag-alis nila sa mga sementeryo, iiwan na naman ang kanilang basura.

Noong Undas 2016, nakakuha ng 168 trak ng basura sa mga sementeryo sa Metro Manila.

Noong 2014, umabot sa 98 trak ng basura ang nakuha sa mga sementryo at noong 2015, nasa 100 trak ang nakolekta.

Ngayong Undas 2017, tiyak na lalampasan ang 168 trak ng basura na nakuha noong 2016 sapagkat patuloy ang kawalan ng disiplina ng mga Pilipino sa pagtatapon ng basura. Maaari namang bitbitin ang kanilang basura pero hindi nila magawa.

Lagi ring nagpapaalala ang Metro Manila Deve­lopment Authority (MMDA) na huwag mag-iwan ng basura ang mga dadalaw sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay, pero hindi sinusunod at lalo pa ngang dumami ang basura. Ginawang basurahan ang mga sementeryo. Sa halip makatulong sa paglilinis ng sementeryo, lalo pang naging marumi.

Ayon sa MMDA kabilang sa mga basura na kani­lang hinakot ay mga styrofoam tray na nilagyan ng pagkain, plastic na botelya ng tubig, cup ng noodles, coffee sache, plastic na supot na pinaglagyan ng soft drinks, buko juice, sago at marami pang iba. Ang mga basurang nabanggit ay pawang hindi nabu­bulok at ang mga ito ang nagiging dahilan nang pagbaha.

Huwag balewalain ang paalala ng mga awtoridad na huwag iwanan ang basura sa sementeryo. Magdala ng sariling plastic na lalagyan at dito ilagay ang basura. Bitbitin sa pag-uwi. Hindi naman ito magbibigay ng kabigatan sa mga dadalaw.

Kung ang lahat nang dadalaw sa sementeryo ay magiging responsable sa pagtatapon ng basura, ma­iiwasan ang mga pagbaha. Hindi na mauulit ang nangyaring pagbaha na ang ugat ay ang mga basu­rang bumabara sa mga daluyan ng tubig.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with