^

PSN Opinyon

Libreng condom sa students?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ANG paglaganap ng sakit na Accute Immuno Deficiency Syndrome (AIDS) ay nagsimula sa isang moral wrong. Hindi ako nag-aastang “moralista” pero iyan ang katotohanan sa aking palagay at sa palagay din ng maraming gumagamit ng sentido komun.

Upang masolusyunan ang pagkalat ng HIV/AIDS, binabalak ng pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Health na mamahagi ng libreng condom sa mga paaralan. Ang katuwiran, yamang hindi rin mapipigil ang panakaw na pagtatalik ng mga kabataan, maniguro na at bigyan sila ng condom.

Pumapasok dito ang kasabihan na ang isang mali ay hindi puwedeng itama ng isa pang mali. Kahit totoong talamak ang pre-marital sex sa mga kabataan, hindi naman lahat ay gumagawa nang ganyan.

Kapag namahagi ang pamahalaan ng libreng condom sa mga eskuwela, katumbas iyan ng pagkunsinti ng ating awtoridad sa malayang pagtatalik ng mga kabataan kahit di kasal. Dahil diyan, pati yung hindi nagpa-practice ng pre-marital sex ay ma-eengganyo na ring gawin ito. Lalakas ang loob nila! Dapat mag-esep-esep muna ang DOH kaugnay nito.

Gaya nang sinabi ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza, malamang lalu pang darami ang bilang ng teenage pregnancy sa bansa sa sandaling simulan  ng Department of Health (DOH) ang pamimigay ng libreng condom sa papasok na taon. Experimentalist ang mga kabataan. Kapag nahikayat sa pre-marital sex, malamang gawin nila ang lalung masarap. Ang makipagtalik nang walang condom.

Ang kailangan ay ipaunawa sa mga kabataan ang tungkol sa sex, on a moral and clinical perspective. Yun bang maipaunawa sa kanila ang konsekwensya nang wala sa panahong pakikipagtalik at kung paano puwedeng masira ang kanilang kinabukasan nang dahil sa sexually transmitted na karamdaman at teenage pregnancy. Pero iyang libreng pamumudmod ng condom? Naku, huwag naman Sec. Pauline Obial.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with