^

PSN Opinyon

EDITORYAL - ‘Dedma’

Pilipino Star Ngayon

ANIM na buwan na ang nakararaan mula nang wasakin ni Bagyong Yolanda ang Samar, Leyte at marami pang probinsiya sa Kabisayaan. Pero hanggang ngayon, marami pa rin sa mga sinalanta ang hindi nakababangon. Marami pa rin sa kanila ang nananatiling nakatira sa mga tent. Marami pa rin sa kanila ang naghihintay ng tulong mula sa gobyerno. Marami pa rin ang hindi matanggap ang nangyari sa kanila. At ang masaklap, marami ang nasisiraan ng loob at nawawalan ng pag-asa na maibabalik pa ang nakaraan dahil sa mga mahal sa buhay nilang hindi na nakita. Mahigit 6,000 na umano ang naitalang namatay sa Yolanda at nadadagdagan pa sa paglipas ng araw.

Lumutang ang dahilan kung bakit mabagal ang rehabilitasyon sa mga sinalantang lugar at walang pagbabago sa buhay ng mga nabiktima. Ayon kay dating senador at ngayo’y rehabilitation czar Panfilo Lacson, dalawang Cabinet members ang hindi nakikiisa para mapabilis ang rehabilitasyon sa mga nasalantang lugar. Patay-malisya umano ang dalawang Cabinet members. Ayon pa kay Lacson, hindi siya nakatatanggap ng response sa dalawang Cabinet members. Hindi umano siya makakilos nang maayos dahil sa pagpapatay-malisya ng dalawang Cabinet members. Tumanggi naman si Lacson na pangalanan ang dalawang “patay-malisyang” Cabinet members. Bahala na raw ang dalawang tinutukoy sapagkat alam na nila iyon. Hindi pa raw niya sinasabi kay Pre­sident Aquino ang problema tungkol sa dalawang Cabinet members pero siguro raw ay maaaring alam na nito.

Ginagawa ni Lacson ang tungkulin para sa mabilis na rehabilitasyon ng mga nasalantang lugar pero hindi naman tumutulong ang mga tanggapang dapat ay may pakialam. Impo­sibleng kayaning mag-isa ni Lacson ang madaling rehabilitasyon. Kailangan niya ng katulong para maibangon ang mga kawawang biktima.

Sana pinangalanan ni Lacson ang dalawang “patay-malisyang” Cabinet members para ma­laman ng taumbayan ang kanilang pagwawalambahala. Dapat namang kumilos si P-Noy sa problemang ito at bigwasan ang dalawang Cabinet members para matauhan.

vuukle comment

AYON

BAGYONG YOLANDA

CABINET

DALAWANG

LACSON

MARAMI

MEMBERS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with